Dahil na rin sa pagod ay nakatulugan na niya ang pagmamasid dito. Hawak pa niya ang isang kamay ng nobya para kung magigising ito ay aware siya. Kababalik lang niya sa Pilipinas. It was a long flight and he's still jet lagged. Mula sa airport ay ito kaagad ang pinuntahan niya. Only to be welcomed by her cold demeanor. But what should he expects, right?

He murmured another sorry before he drifted off to sleep...


NANG magising si Mariz ay nag-iisa na lang siya sa kama. Nang maalimpungatan siya dakong madaling-araw ay nakita pa niya sa tabi niya si Zenith. Sa katunayan ay hawak-hawak nito ang kanyang kamay habang patagilid na nakahiga paharap sa kanya. She missed him so much. Pero kahit gusto niyang haplusin ang pisngi nito at sumiksik sa mga bisig nito katulad ng nakasanayan niya ay hindi niya ginawa. Muli na lamang niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa muli siyang makatulog. At hayun nga, umaga na. 

Force of habit, inabot niya ang unan na ginamit ni Zenith at sinamyo ang pamilyar nitong amoy na naiwan doon. At dahil wala naman siyang pasok ay saglit muna siyang nag-in-in sa kama. She missed his bed, too. Katamtaman lamang ang tigas at lambot, napaka-komportableng higaan. Napaidlip pa siya nang kaunting oras. Pagbangon niya ay dumiretso na siya ng banyo at naligo. Paglabas mula roon ay nakabilot na sa tuwalya ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng robe. Tumuloy siya sa walk-in closet. She moves around like she owns the place. And she can't help it. Dahil sa lahat ng ibang bahay na napuntahan niya ay very at home siya sa bahay ni Zenith.

Too bad he's rarely home, matamlay na saloob-loob niya.

Nang makapagbihis ay saglit niyang inikot ang mga mata roon, may hinahanap siya. Sigurado siyang iniwan niya lang iyon doon.

Did he take it? Gusto niyang ipagkibit-balikat iyon pero hindi niya maikakaila ang pinong kudlit sa sulok ng kanyang puso.

Lumabas na siya ng kuwarto. Hindi siya sigurado kung nasaan si Zenith. Basta't bumaba lamang siya ng bahay. Gusto na niyang umuwi. At dahil nga naiwan niya ang kanyang purse at kotse sa Club Red, kakailanganin niyang magpahatid. Tutal ay kasalanan naman nito kaya wala siyang masasakyan pauwi.

Wala sa sala si Zenith. Ang laki-laki kasi ng bahay nito. She tried the dining room, wala ring tao roon. Ngunit may naririnig siyang mga boses sa kitchen.

"It's good," anang isang boses ng lalaki na hindi pamilyar kay Mariz.

"You think?" tinig ni Zenith.

"Take it from the master's chef, it's good," sang-ayon ng isa pang boses na hindi rin kilala ng doktora.

"I think it's our cue to leave, she's here," iyon ay mula sa isang matangkad na lalaki na mukhang suplado.

Dalawang lalaki ang nabuglawan ni Mariz na kasama ni Zenith sa kusina. May kung anong pinagkaka-abalahan ang mga ito roon. Ang una'y bahagyang tumango sa kanya at tipid na ngumiti. Matangkad ito at parang masyadong solido ang pangangatawan kumpara sa nobyo niya na katamtaman lamang ang built. Bagaman sa height ay hindi halos nagkakalayo ang mga ito. Tantiya niya ay mahigit anim na talampakan ang taas ng lalaki, medyo suplado ang dating at tila binibili ang ngiti. Habang ang ikalawang lalaki ay tsinito, mababa nang kaunti sa height ni Zenith. Probably around 5'11". Compared to the first guy, she finds his features boyishly handsome. 

"Hello," naunang bati ng lalaki sabay lahad ng kamay.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito and they shook hands.

"Vengeance Liu," pagpapakilala ng lalaki.

Gusto pa sanang ipaulit ni Mariz ang pangalang ibinigay nito sa pag-aakalang nagkamali lamang siya ng dinig. Pero nakahiyaan na niya at hindi na lamang ginawa.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriWhere stories live. Discover now