He smiled. Just the thought of his girlfriend was enough to put a smile on his face. "She's okay."

"And her father's involvement?"

"We're still fifty-fifty on that. Q didn't find any irregularity in his bank transactions. But he was constantly seen in the company of Commodore Pelaez."

"How about their audio surveillance? I'm sure you bugged him."

"Nothing incriminating that will prove he's one of the rotten eggs."

Tumango-tango si Callous. Ngunit kapansin-pansing tila malalim itong napaisip sa sinabi ni Zenith.

"What? Spill it."

"Nothing."

"Ako pa ba ang paglilihiman mo?" ani Zenith. Kilalang-kilala niya ang kaibigan. There's obviously something going on inside his head. Kung bakit parang nagdadalawang-isip itong sabihin iyon sa kanya ay isang bagay na labis niyang ipinagtataka. 

"Kumusta kayong lahat?"

"Tatang!"

Masaya silang napatingin sa direksyon ng bagong dating. Si Tor. Sinalubong ito ng masayang yakap ng mga kaibigan. Para itong tatay na pinalibutan ng mga nasabik na anak. Pagkuwa'y inabot ng mga ito ang dala ni Tor.

Katulad ng iba ay nilakad lamang nito ang pagpunta roon. He brought some flowers and candles. Ganoon din ng isang bote ng alak. Ritwal na nito na pagkatapos magtirik ng kandila ay ilalapag nito ang bungkos ng bulalaklak at saka magbubuhos ng alak sa lupa. Ang bahagi ng lupang nadilig ng dugo ng kanilang mga magulang. Na susundan nila ng taimtim na panalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng mga ito. Maaaring hindi naging mabuting mamamayan ang mga ito noong nabubuhay pa, ngunit bilang mga anak ay umaasa silang saan man naroroon ang mga ito ay maging magaan sana ang pagtawid ng mga ito sa kabilang buhay.

"Rest in peace, Papa," halos bulong lamang na sabi ni Tor. "Ipinapangako kong itutuwid ko ang anumang mga pagkakamaling nagawa niyo. It will be our crusade."

"Agreed," pagsang-ayon ni Ferocious.

"Amen," si Omi.

Sumunod ng pagsang-ayon ang iba pa. Matapos ang nakagawiang ritwal ay pumasok sila sa log cabin na naroroon. Isang matandang caretaker ang nangangalaga sa lugar na iyon, si Tata Fermin. At ito rin ang nagmamay-ari ng log cabin na pinagpapahingahan nila sa taun-taong pagpunta nila roon. They all showed interest to buy the land. Sa kabila ng mapait na trahedyang nangyari sa kanilang mga magulang sa lugar na iyon ay nais nilang makatiyak na mananatiling pribado at hindi basta-bastang magagalaw ng kahit na sino ang bahaging iyon ng kagubatan. Ngunit ayon sa caretaker, hindi raw iyon ipinagbibili ng may-ari. Nakiusap pa sila rito na kahit iyong parte lamang kung saan nakalibing ang kanilang mga magulang. Ngunit matibay diumano ang bilin ng may-ari. Hindi nito iyon ipinagbibili sa kahit na anong halaga. 

Sa kabilang banda ay tiniyak naman ni Mang Fermin na walang sinuman ang puwedeng gumalaw sa kinalilibingan ng kanilang mga magulang. Mananatili raw sagrado at pribado ang lugar na iyon para sa kanila. Sa katunayan ay nagpatayo pa ng log cabin doon ang may-ari ng lupa upang magsilbing tulugan nila kapag sila'y bumibisita. Isang bagay na nagbibigay ng malaking palaisipan sa kanila. Kilala kaya sila ng may-ari? O miyembro rin ito ng organisasyong kinabibilangan ng mga magulang nila?

Qaid tried to locate the name of the owner. Sa kabila ng assurance na ibinigay sa kanila ng caretaker ay gusto pa rin nilang personal na makausap ang may-ari. And of course, he did find him. The owner's name, that is. But unfortunately, he's nowhere to be found. Kilala na nila ito sa pangalan ngunit ang mukha o anumang mapagkakakilanlan dito ay wala silang ideya.

"Simulan na natin para makarami," ani Venom na binuksan na ang isang bote ng alak.

Nagkanya-kanyang dampot na rin sila ng inumin. Inilabas ni Scythe ang dalawang balot ng mixed nuts.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriWhere stories live. Discover now