Kabanata 14

278 28 6
                                    

Kabanata 14:  Buy Bust Operation

Minsan naisip ko na nakakasawa pala ang buhay ko. Walang excitement eh, paulit ulit ang mga nangyayari. Gigising ng maaga. Mag susubmit ng report. Makikipag asaran kay Karren. Gagala mag isa at gagawa ng mga misyon na trabaho ko. At kinabukasan nun, mauulit lang.

Walang thrill ang buhay ko...

Ni wala ngang importanteng bagay saakin eh, si Lucifer naman na nagpapadala ng messages ay hindi ko alam kung anong trip. Masyadong nakakasawa ang buhay ko, gusto ko din ng iba. Yung may thrill at excitement.

Gusto ko ng malaking bahay, gusto kong maka punta sa Europe, gusto ko bg mga bagay na matagal ko ng gusto. Kaso imposible 'yun. Sabi ko dati nung grade 9 ako na gusto kong maging flight attendant kaso ang ending, naging part ako ng FBI Agency. Wala naman kasi talaga akong mararating kundi 'to lang, hanggang dito lang ang kaya ko kaya hindi ko na papangarapin ang kung ano anong bagay. Ni bilhan nga ng motor ni papa ay hindi ko magawa, maka punta pa kaya sa Europe.

Tsaka may mga bagay na hindi ko pa nababanggit sa previous kabanata.

Alam nyo lang ang pangalan ko pero hindi nyo alam ang pagkatao ko? Ano kayo? Hunghang?!

Mahina ako, sinong tanga ang magiging Agent kung mahina naman?

Malamang si Alice Saavedra!

Sa harap ng kung sino-sino ay malakas ako, malakas sa paningin nila dahil 'yun naman ang pinapakita ko, pero ang totoo, durog na durog na ako. May kung ano kasi sa dibdib ko na nagpapabigat kaya once in a year lang ako humagulgol. Weird 'no? Ganun talaga ako eh, sorry.

By the way, change topic tayo dahil nagugutom na ang nag iisang Alice Saavedra. So for today's topic— oh charot lang.

Tomorrow will be the next mission. Pang ilan na nga uli 'yun? Ah basta. Ambagal kasi mag update kaya nakakalimutan ko na. Basta bukas na 'yun with my boyfriend.

"Oyy Alice!" Pag agaw pansin ni Karren saakin.

Inis naman akong napatingin sakanya, "kainis ka naman eh! Kitang nag momonolauge pa ako dito, nang iistorbo ka." Asik ko.

"Sige bahala ka sa buhay mo! Pag 'tong jowa mo nag tampo, tatawanan kita kung paano ka manuyo!" Sigaw nya.

"Oh napano jowa ko?"

"Wow! Proud na proud! Akala ko ba istorbo ako hah?! Potangina mo, trenta!" Sigaw nya.

Napatingin naman ako sa katabi nyang cellphone— selpon ko.

"Paabot nga selpon ko."

"Inuutusan mo ba ako?" Sarkastikong pagkakasabi nya.

"Nakikiusap ako." Bara ko

"Tsk."

Kinuha nya ang cellphone ko at tumingin sa screen. May kinalikot muna sya at tinutok sa tenga ang selpon ko.

"Oh Brent... Si Alice? Ayyy nag momonolauge daw saglit... Ano? Ahh oo nandito sya. Ayaw ka ata kausap eh." Rinig kong sabi nya.

Pinanlakihan ko sya ng mata at tumayo para makuha ang selpon ko.

"Hoy potangina mo! Akin na 'yan, demonyo ka!" Sigaw ko.

"Ahh oo si Alice 'yun! Ayyy sige tawagan ka nya mamaya, sasabihin ko nalang na mahal na mahal mo sya." Sarkastikong sabi nya bago ako makalapit.

Nang aabutin ko na sya ay namatay na  ang tawag at nilapag sa mesa.

"Tangina mo mga bente! Pahamak ka eh!" Sigaw ko.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu