Kabanata 5

429 33 7
                                    

Kabanata 5: Yakult at crush

"Mission Accomplish!!" Malakas na sigaw ko nang makapasok ako sa boarding house namin ni Karren.

"Oh my gosh, Alice!" Sigaw na salubong saakin ni Karren.

Ibinukas ako ang mga braso ko dahil akala ko ay yayakapin nya ako pero kinuha nya ang dala kong pizza at cellophane na may laman na ice cream. Wala tayong magagawa, favorite nya 'yan eh.

Inilapag nya ang pizza at ice cream sa lamesa at tumingin saakin. Blangko ang mukha nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Unti unting kumurba sa labi nya ang ngiti. Mabilis syang nagkalad at niyakap ako.

"Congrats, Alice! Akala ko 'di na kita makikita uli." Saad nya.

"Boba! Nag trabaho lang ako, buhay pa naman ako oh! Gumagalaw at humihinga!" Bulyaw ko ng bumitaw sya sa yakap.

"Sorry naman." Saad nya at biglang ngumiti nang kakaiba. "...oh ano? Kamusta ang misyon mo? Gwapo ni Brent 'no? Kilig ka nung nakita mo sya? Amin na! Yieee" tukso pa nya.

"Ang yabang nun! Sinabihan ba naman akong 'sabit', 'idiot' at 'pandak'! Todo puri pa sya sa sarili nya! Akala mo naman gwapo! Tse!" Nag bago ang mood ko.

"Mayabang talaga 'yun, naiinis nga ako sakanya eh. Last na pagkikita namin, sinabihan akong 'living microphone'. Kesyo ang ingay at madaldal daw ako." Pag sang ayon nya

"Ehh totoo naman pala eh."

Binatukan nya ako.

"Oh sige back to you, saan mo nakuha yung perang pinanggastos mo dito?" Tanong nya sabay turo ng mga dala ko.

Libre saakin ni Sean. Ang yaman nya, sabi ko dalawang libro lang ay sapat na para may mapaglibangan ako nagulat nalang ako kasi kumuha pa sya ng apat na libro kaya anim ang binayaran nya. Sabi ko ay hati nalang kami sa babayaran kaso tumanggi sya. Inaya ko syang umalis kasi masyadong mahal ang libro na binili nya para saakin pero inaya nya akong kumain sa pizza parlor, ako na sana yung magbabayad pero inunahan nya ako. Ang kulit nya, at the same time masaya kasama. Ako na ang bumili ng ice cream ni Karren nung nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nakakahiya din kasi.

"Bukas ko nalang kukunin yung padala ni papa, pagod ako ngayon eh. Pwede din daw akong umabsent bukas sabi ni sir Ferrer." Sabi ko habang kumakain ng pizza.

"Samahan na kita, ayokong pumasok bukas. Nakakatamad eh. Wala namang importanteng mangyayari." Sagot nya.

Tumango lang ako at nilantakan ang isang basong ice cream.

"Nga pala, Alice. Nag text saakin si Andrea. Video call daw kayo mamayang 8pm." Sabi ni Karren.

Napatingin ako sa orasan sa may dingding, 7:38pm palang.

Si Andrea ang bunso kong kapatid, 14 years old na sya. Tatlo lang naman kaming magkakapatid eh. Si kuya Adamson, ako at si Andrea. May talent sa pagsayaw ang bunso kong kapatid, masiyahin, minsan ay madaldal at mahilig magbasa ng mga libro pero hindi gaya ko ay mga romance ang mga binabasa nya sa pocket books, kaya tuwing umuuwi ako sa probinsya ay pinapasalubungan ko siya ng mga pocket books.

Naligo ako bago humarap sa laptop ko, video call daw eh. Pag open ko ng tawag ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Andrea.

"Ate!!" Bungad nya

"Ansaya mo ata?" Natatawang sabi ko

"Syempre ako pa! Nanalo ako sa dance contest kanina sa school ate! Nakanganga yung mga teacher nung pinapanood nila ako. Ang galing ko eh!" Pagmamayabang nya.

"Ano bang sinayaw mo?" Natatawang tanong ko.

"Budots" sagot nya at tumawa ng malakas. ".. Joke lang, ate. Pinagremix ko yung How you like that at Dun dun! Tapos nung dance break na nung dun dun ang lakas ng sigawan nila!" Masayang pag kwento nya.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon