Kabanata 11

303 26 11
                                    


Kabanata 11: Lucifer

"Kanina ka pa hindi mapakali, Alice." Tinabig ni Karren ang braso ko.

Iniisip ko yung message kanina. Hindi na 'to nakakatuwa lala na't pinagbabantaan na ako ng kung sino lang. Kilala nya ako pero wala akong ideya kung sino sya. Wala naman akong matandaan na may nakaaway ako. Hindi naman ako pala away eh. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nung Lucifer na 'yun saakin o sa pamilya ko.

"Ah! Pakshet!" Sigaw ko.

"May problema ba, Alice?" Tanong ni Karren.

"Wala. Okay lang ako." Pagsisinungaling ko dahil sa totoo lang ay hindi ako okay.

"Tsk. Ewan ko sayo, Alice. Mag kwento ka nga saakin." Utos nya.

"Nakilala ko na si Aria." Panimula ko.

"Anak-mayaman 'yun. Kamag anak ata nila yung sikat na designer dito sa Pilipinas." Pag kwento nya.

"Ang ganda nya, Karren. Wala akong laban sakanya..." Nanghihina kong sabi.

"Mas maganda ka 'dun 'no! Kunting ayos lang sa mukha mo, matatalbugan mo na yung byuti nya." Pinapalakas nya ang loob ko.

"Boyfriend ko na si Brent." Deretsong sabi ko.

Natahimik sya at bigla akong pinaghahampas ng unan. "Ano ba naman, Alice! Parang nung isang araw naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo tapos ngayon boyfriend mo na 'yung mayabang na 'yun!" Bulyaw nya.

"Ambaho ng hininga mo. Nag toothbrush ka ba?"

"H'wag mong iwala ang usapan natin dito Alice Saavedra!" Sigaw nya.

"Eh ano kasi......"

"Aba Alice siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak sa harap ko pag may ginagawa syang hindi ko magugustuhan. Pag napaiyak ka nya ng todo aba ewan ko lang kung anong magagawa ko  'dun sa lalaking 'yun!" Kung saan saan pa nya itinuturo ang hintuturo na parang nanay sa pagsesermon.

"Oo na..."

Magsasalita pa sana sya pero tumunog ang cellphone ko.

From: 09*********
Saan ko kaya sisimulan? Oh wait! KANINO ko sisimulan? Be ready, Alice. Bawat segundong nasasayang ay may mga taong nanganganib ang buhay. Let's start!
—Lucifer

"Fvck!" Napamura ako dahil sa nabasa. Paano kung pamilya ko ang unahin nya?

Sino ba kasi itong potanginang Lucifer na 'to?

"Hoy Alice, anyare sayo?" Biglang tanong ni Karren na nasa tabi ko na pala.

Hinablot nya ang cellphone ko at binasa nya ang natanggap kong message.

"Alice anong gulo ang pinasok mo at bakit ganito?" Halos pabulong nyang tanong.

"Hindi ko alam..."

Buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito.

Pinagpawisan ako kahit naka number 3 ang electric fan. Hinawakan ni Karren ang braso ko at parang sinasabi nya na lagi syang nasa tabi ko.

Halos maluha na ako dahil sa takot ko, natatakot ako. Nginitian ako ni Karren kasabay ng pagyakap, hinagod nya ang likod ko at bumulong.

"Don't worry, Alice. I'll protect you..."
____

Kasalukuyan kaming nasa misyon. Ang pangatlong misyon ko kasama ang partner kong si Brent. Ang kaso dito ay ang mga batang kinidnap.

"We'll go inside..." Bulong ni Brent.

Dinig ko ang mga iyak ng mga bata sa loob na halatang takot na takot. Nakakaawang mga bata.

Itinaas ni Brent ang kayang kanang kamay upang maging senyas na papasukin ns ang kuta ng mga kidnapper. Kasama namin ang mga pulis. Sinipa ni Brent ang pinto kasabay ng pagtutok sa mga lalaking armado.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Where stories live. Discover now