Kabanata 7

344 35 10
                                    

Kabanata 7: Pangalawang Misyon

Ilang araw na rin Simula nung may nakita akong mga pictures ni kuya Adamson sa table ni Karren. Gusto ko sanang isipin na may gusto siya sa kuya ko pero hindi pa naman niya nakikilala at nakausap si kuya. Kaya ang ipinagtataka ko, bakit may salitang 'target' sa likod ng picture na 'yun. Hindi ko na binalak na sabihin 'yun kay Karren, bagkus kinuha ko ang picture na 'yon at tinago ko sa kwarto at ako na ang bahalang mag imbestiga.

Alas otso y medya ng makarating ako sa Agency, ngayong araw kasi ang pangalawang misyon ko.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na naka suot ng sando, maikling shorts at heels. Parang panty na nga yung shorts eh. Dugyot!

"Wear something presentable, ms. Saavedra." Utos ni Sir Ferrer.

Naka off shoulder at pantalon na nga ako, kung ano ano pa ang pinapasuot.

"Eh sir, ayoko po ng ganung suot eh, kulang kulang sa tela. Ayoko ngang isuot 'tong off shoulder dahil masyadong kita ang braso at leeg ko, 'yun pa kaya na halos lalabas na ang kaluluwa dahil sa tela." Pangangatwiran ko.

Hindi ko kayang sikmurain ang ganung klase ng damit. Pag mag soshort nga ako ay hanggang tuhod o lagpas tuhod. Sa bahay lang ako nagsusuot mg maikli at paminsan minsan pa! Ohmyghad!

"The role suits to you agent 107, you have a perfect body. Besides it's just for a day. Nandoon naman si Brent for your safety." Paliwanag nya.

Brent nanaman??

"Sir, hindi nyo ba narinig 'yung sinabi nya last time? Sabi nya hindi ko sya body guard kaya wala syang responsibilidad sa kaligtasan ko." Paliwanag ko din.

"Okay if you don't want this mission, you can leave my office now..." Seryosong saad nya.

Eh?

"I'll take it, sir..." Sagot ko.

Punyeta! Sayang ang sasahudin ko dito 'no.

"Okay, 10am dapat nasa bar kana for audition, get it?"

"Yes sir.."

Lumabas kaagad ako sa office ni kalbo para pakalmahin ang sarili ko, haring mother na kalbong 'yun!

"Hey, Alice!" Napatingin ako sa gilid ko nang may tumawag saakin. Si Sean lang pala...

Tumango lang ako.

"Hey, may problema ba?" Tanong nya.

"May second mission na ako kaso nakaka dipris yung mission!" Iritang sabi ko.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Anong mission ba?"

"Prostitute amp! Magsusuot ng sando, maikling shorts at high heels! Ayoko nun!" Sagot ko.

"Sakto lang. Maganda ang katawan mo, may kurba. Maputi at makinis ka naman eh. I can't wait to s---"  pinutol ko ang sasabihin nya.

"Hoy! Punyeta ka ng bastos ka! May pagnanasa kaba saken?!" Bulyaw ko.

Bastos na singkit 'to!

"Of course not!" Tanggi nya. "...ayokong pagnasahan ang crush ko 'no, malaki respeto ko sayo." Dagdag pa nya.

Namula ang pisngi ko. Kilig na ba ang tawag dito?

"Yiee namumula ka, crushback mo 'ko?" Ngiting aso nyang saad.

"Ano ka, high school? Para kang bata, Sean!" Suway ko.

Pero kinilig ako, slayt...hihihi

Yes, I'm a Secret Agent ✓Where stories live. Discover now