Kabanata 23

310 21 16
                                    

Kabanata 23: Carbonara

"Happy birthday ate!"

Bungad ni Andrea sa camera. Today is Febuary 27 and yep! Ngayon mismo ang ang araw ng birthday ko. Advance celebration lang kasi 'yung kahapon diba?

"Ang pangit mo, Aeya!" Singhap ko.

"Hoy ate h'wag ako! Kita ko pa 'yung natuyong laway mo oh!" Tinuro-turo niya pa ang camera.

"May lakad ka?" Tanong ko. Pansin ko kasing nakabihis siya. Sabado kasi ngayon kaya imposibleng may pasok siya.

"Ahh oo ate, may practice kami sa plaza mamayang 9am. Tignan mo oh," saglit niya pang ipinatong ang camera sa kung saan at umikot para ipakita ang kanyang suot. "Ang ganda ng gift mo ate,"

"Sa susunod madami pa diyan kaya mag aral kang mabuti hah? H'wag pasaway kay mama at papa," bilin ko.

"Opo. Ano balak mo ngayong birthday mo? Mag dedate kayo ni Kuya Brent?"

"Paano mo nalaman?" Biro ko.

Saglit pa siyang natahimik bago tumawa. "Apaka ano ate ah! Magpaayos ka kay ate Karren para magmukha kang tao," biro niya pa.

"May mga binili akong damit, samahan moko pumili,"

Inilapag ko ang cellphone sa study table at pumunta sa cabinet. Inilabas ko ang tatlong magkakaibang damit.

"Ate albor ko na 'yung pink!" Sigaw niya mula sa cellphone.

Nilakihan ko siya ng mata at marahang umiling.

"Ang damot mo mukha ka namang tuko!" Sabi niya pa habang nag lalagay ng liptint.

"Ang matira sayo na," sabi ko pa at napangiti naman siya.

"Nays!"

"Ano maganda?"

Ipinakita ko sakanya ang tatlong damit na naka hanger.

Isang color blue dress na sa tingin ko ay hanggang tuhod ko. Hindi naman siya sleeveless kaya kumportableng suotin. Plain lang siya na may maliit na belt na heart sa waist line.

Isang pink naman na fitted dress. Ewan ko kung anong tawag dun pero mukha siyang maganda. May strap din siya sa likod. Parang 'yung mga nasa movie na mga pang akit ganon. Eww! Above the knee din siguro. Glosy din hahahaha.

Isang maroon dress, sleeveless at sa tingin ko ay above the knee din siya. Simple lang din, may butterfly sa laylayan na nagpaganda.

"Ate akin na yung pink!" Sigaw pa niya.

"Hoy alam mo bag magmumukha kang malandi dito?!" Bulyaw ko.

"Eh bakit ikaw,"

"Isusuot ko ba?"

"Hindi, kaya nga hinihingi ko na diba?"

"Manahimik ka diyan,"

"Akin nalang kasi," ipinagdikit niya pa ang nga palad niya.

"Ibibigay ko 'to kapag hindi na hello kitty at de rosas 'yang panty mo!"

"Yung panty mo nga—"

"Panty ko galing pa sa avon kaya manahimik ka diyan at ibibigay ko 'to kung kelan ko gusto," sabi ko.

"Sabi mo 'yan ah?"

"Oo nga, tulungan moko pumuli,"

"Bagay sayo 'yung blue,"

Ihinarap ko ang blue dress at itinapat sa sarili. "Ito?"

"Tanga lang ate? Ano pa bang blue dyan?"

Yes, I'm a Secret Agent ✓Where stories live. Discover now