Kabanata 9

316 32 0
                                    

Kabanata 9: Kumpirmasyon

"Lasing lang sya kagabi kaya hindi nya alam ang pinagsasabi nya.." Kumbinsi ko Sa sarili ko habang tinatapik ang magkabilang pisngi ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya kagabi sa party ni Sean. Gusto kong maniwala pero gumugulo sa isip ko yung mga sinabi nya nung nasa sofa kami at nag kukwentuhan.

Aaminin kong kinikilig ako hanggang ngayon pero ayaw ko talagang maniwala. Lasing nga kasi sya eh!

Papunta ako ngayon sa Agency para magpasa ng report. Nasa tapat palang ako ng pinto ng makita ko si Brent na may kausap sa cellphone. Nang magtama ang mga tingin namin ay agad akong umiwas ng tingin at naka yukong pumasok sa loob.

"Hey, Alice!" Pagtawag saakin ni Brent. Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy na naglakad papunta sa office ni sir Torrecampo, sya ang naka schedule ngayon para sa reports.

"Ang aga mo naman ata, Alice." Bungad saakin ni Joy na may pasa pa sa mukha.

"Mukhang napuruhan yang peys  mo, Joy. Okay ka lang?" Tanong ko.

Tumango sya kaya ngumiti ako. "Pa'no ba 'yan, magpapasa muna ako ng report." Pagpapaalam ko pa.

"Alice!" Pagtawag ng kung sino.

Nilingon ko ang nasa likod ko, nanlaki ang singkit kong mga mata. Si Brent papalapit saakin habang malalaki ang mga hakbang.

Bago pa sya makalapit ay tumakbo na ako papunta sa office ni sir Torrecampo. Pagpasok ko ay bumungad saakin ang naka kunot na noo ni sir.

Gwapo nya nga eh. 25 years old palang yan pero magaling na sa kung ano anong bagay. Eh ako? 21 years old na lampa parin.

"Good morning sir." Pagbati ko.

"Morning.." Sambit nya.

Iniabot ko ang report ko at hinintay ang sasabihin, ilang beses syang tumango-tango bago isinilid ang folder sa drawer.

"Good. By the way, may meeting tayo bukas." Paalala nya.

"Yes sir, thank you."

Tumango sya at bumalik sa ginagawa kanina. Umalis na ako sa office pero paglabas ko nakita ko si Brent na ilang metro ang layo saakin, naglakad sya papunta saakin. Sa sobrang taranta ko, kinuha ko ang cellphone ko at dinail ang number ni Karren na sinagot naman nya kaagad.

"Alice lets----"

"Oo Karren, papunta na ako dyan, saglit lang pramis." Kunwaring sabi ko.

"Pinagsasasabi mo?" Saad ni Karren mula sa kabilang linya.

"Alice plea-----"

"Oo nga eh, papunta na ako, nasaan ka ba?" Tanong ko pa.

"Ang gulo mo Alice! Nandito ako sa mcdo." Sagot naman nya.

"Oo sige sige, hintayin ko lang si Sean tapos punta na kami dyan." Saad ko.

"Pakyu! Si Sean? Oyy talaga? Isasama mo sya? Ohmyghad! Dalian nyo!" Rinig kong sigaw ni Karren.

"Oo sige, bye muah muah!" Pagpapaalam ko ng matanaw ko si Sean sa di kalayuan.

"Alice " seryosng boses ni Brent.

"Uyy Brent ikaw pala, may sasabihin ka? Pwede next time nalang? May lakad pa kami eh. Bye!" At mabilis kong nilapitan si Sean.

"Sean!" Sigaw ko.

Yes, I'm a Secret Agent ✓On viuen les histories. Descobreix ara