Kabanata 40

343 16 5
                                    

Kabanata 40: Mahal Kita

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay tita Minerva. Kasama ko si Brent na dumalaw sa hospital room ni Miguel na ngayon ay nagpapagaling.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito gayong ikaw ang may dahilan kaya nagka ganito ang anak ko!" Bulyaw niya saakin.

"Excuse me ma'am but she saved you and your son. You should thank her insted." Singit ni Brent.

"At sino 'to? Sabi ko na nga bat may tinatagong landi ang katawan mo, Samantha!" Sigaw pa nito saakin.

"Mom, enough!" Sita ni Miguel sa Nanay niya.

"Alice Saavedra. Agent 107. Agent Saavedra. Ayan lang ang pwedeng itawag saakin at wala ng iba.", Sabi ko.

Nainsulto yata siya kaya inambahan uli ako ng sampal pero humarang na si Brent.

"Walang modo!" Sigaw nito.

"Nandito ako para maka usap si Miguel at hindi laitin niyo, tita. Sorry to offend you but nakakawala ka ng respeto." Sabi ko naman.

"Mom, leave us alone please?" Sabi ni Miguel.

Tinignan muna ako ng masama ni tita Minerva bago lumabas.

Nilingon ko si Brent at tinanguan bago siya lumabas ng pinto.

Naupo ako sa monoblock sa tabi ng kama ni Miguel.

"How are you?" Panimula ko.

"Grabe! Ang lakas mo pala talaga, Alice." Sabi nito at hindi pinansin ang tanong ko.

"Miguel, about what happen yesterday..."

"It's okay. Napa ayos ko na ang lahat. Cancelled na ang kasal." He said and smile.

Kumunot naman ang noo ko. "Why?"

"Hindi ako manhid, Alice. Alam kong ayaw mo akong pakasalan." Sabi niya pa at tumawa ng mahina.

"Pero hindi ako nagreklamo. I told you, I'll marry you," Sabi ko.

"Pakakasalan mo ako dahil naaawa ka saakin, tama ba?" Sabi naman nito na nagpatahimik saakin.

He's right.

"Ayoko ng ganun, Alice. Ang dapat lang na kinakasal ay 'yung mga taong mahal ang isa't isa. Kung napipilitan kang pakasalan ako, hindi pagmamahal 'yon."

"But.—"

"Ikakasal nga tayo pero hindi naman ako 'yung nasa puso mo. Diba parang ang unfair?" He chuckle.

Namumuo nanaman ang mga luha sa mga mata ko.

"Sorry..."

"Hindi mo naman kasalanan, bakit ka nag sosorry?"

"Because I can't love you back." I honestly said.

"Siguro karma ko na din 'to. Naging makasarili ako. Hindi ko inisip na may buhay ka pang babalikan. Inangkin kita at hinayaan na saakin ka mamalagi sa loob ng apat na taon. I'm too selfish kaya siguro nakakarma na ako." Naluluha na rin siya.

"Sorry."

"Nakarma siguro ako dahil nahulog ako sa taong kamukha ng dating minamahal ko, sorry, Alice. Sorry kasi pinagkait ko 'yung buhay na meron ka." Sabi nito.

Pinunasan niya ang luhang kumawala sa mga mata ko.

"Josh, thank you. Kung hindi dahil sayo baka hindi na ako nabigyan ng pagkakataong mabuhay uli. Kung hindi mo ako tinulungan, baka kung ano na ang nagawa ng kuya ko sa pamilya ko. Salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo." Sabi ko.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon