Kabanata 39

311 16 13
                                    

Kabanata 39: Pagtatapos ng Laban

"Kuya Adamson, bakit?" Naluluha na sabi ko.

Itinayo ni Brent ni Kuya.

"Isa kang malas sa buhay ko, Alice! Nagsisi ako na hinayaan ko ang mama ko na magkaroon ng bagong asawa!" Sigaw niya.

Napatakip ako ng bibig. B-bagong asawa.

"Kuya..."

"Sa tuwing nagkakasama kayo sa litrato, ako 'yung lumalabas na anak sa labas, Alice! Sa buong buhay ko, pinasan ko lahat ng paghihirap at pagtitimpi!" Sigaw niya.

"Hindi mo papa ang papa ko?" Nauutal na bigkas ko.

"Oo! Kinamumuhian ko ang papa mo, Alice! Gusto ko siyang saktan pero masasaktan rin ang mama ko. Dumadaloy sayo ang dugo niya, dapat rin sayo 'to!" Sigaw niya pa.

"B-bakit?"

"Namatay ang papa ko dahil sa papa mo. Hindi matanggap ng papa ko na pinipili ni mama ang papa mo kesa sa papa ko." May hinanakit sa bawat sigaw niya.

"Kaya mo ako pinaparusahan ng ganito, tama?" Sabi ko.

"Kulang pa 'yan." Ngisi niya.

"Kapatid mo parin ako! Pareho tayo ng inang nagluwal! Parehong bahay tayo lumaki!" Bulyaw ko habang tumatangis.

"Hindi kita kailan man tinuring na kapatid, Alice. Dahil buong buhay ko, kinamumuhian kita at ang tatay mo."

"Kuya..."

"Gusto kong gawing impyerno ang buhay mo, Alice. Nang sa ganon ay maka bawi ako sa tatay mo. Gusto kong maghiganti para sa pagkamatay ng papa ko. Galit ako sainyo! Galit na galit!" Sabi niya.

Magkahalong awa, lungkot at galit ang nararamdaman ko. Buong buhay ko, akala ko maswerte ako dahil mayroon akong kuya. Lahat kasi ng kaibigan ko noon ay pinapangarap ng kuya na mag po-protekta sakanila. Ibang kaklase ko nga noong high school ako ay naiinggit saakin dahil palagi kong kinukwento si kuya sakanila. Sabi nila sana may kuya rin daw sila.

Dati, hindi na talaga maganda ang samahan namin ni kuya. Mabibilang lang sa daliri 'yung mga araw na nagkasundo kami. Bipolar ang unang akala ko pero hindi pala. Ngayon alam ko na kung bakit noon palang ay ganito na ang pakikitungo saakin ngayon. Kinakain siya ng galit.

Nawalan ako ng balanse nang maramdaman ko ang malakas na tama ng tubo sa ulo ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Napahiga ako sa sahig, nanlalabo ang paningin ko at dumidilim ito. Nakita ko pa si Brent na tumatakbo papalapit saakin dahilan para maka takas si Lucifer.

Bago ko maramdaman ang paglapat ni Brent sa balat ko ay naunang may bumuhay ng ulo ko ay inalalayan ito. Nang tignan ay si Miguel iyon na akala ko ay umalis na.

"Vespera don't!" Rinig kong sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, hinalikan niya ang noo ko habang naka tingin saamin si Brent.

Nagalit ata si Brent sa naging kilos ni Miguel kaya tinulak niya ito nang bitawan ako ni Miguel.

"Wala kang karapatang gawin 'yon sa kanya!" Rinig kong sigaw ni Brent.

"Why?! She's my fiancè. What's wrong with that?!" Sigaw pabalik ni Miguel.

Nanatili akong naka higa at nanghihina.

Potangina ang lakas ng impact sa ulo oo nung tubo! Hayop na 'yan!

Tila nawala lahat ng sakit na naramdaman ko noong makarinig ako ng isang putok ng baril. Napabalikwas pa ako ng bangon kaya nakita ko kung  sinong may pakana.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Where stories live. Discover now