CHAPTER 11: Wedding Bells

14.1K 256 8
                                    

Your votes & comments sent kilig to me big time,..you guys inspire me to write @avem8787- tyvm for voting. You guys rock!😘

Bago mag-alas singko ay nakahanda na siya para sunduin ni Neil. She's nervous to meet Neil's mom. Yes, she is Briana Sebastian but she can't please everyone and she's aware of that. Paano kung hindi pala siya nito gusto? Paano kapag tinaasan siya ng kilay at hindi pinansin, is she going to do the same? Nasa ganoong siyang pag-iisip nang biglang bumalandra pabukas ang pintuan ng opisina niya at halos sumara iyon sa mukha ni Evelyn na nag-aalalang nakasunod.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito, Marco?!" agad siyang napatayo at napaatras nang agad siya nitong lapitan at yakapin. "Let me go," piglas niya pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.

"I can't live without, Bri. Please come back to me." bakas na bakas sa boses nito ang paghihirap.

"Hindi na kita mahal, may m-mahal na akong iba." matigas niyang sagot. Halos madurog ang buto niya sa higpit ng yakap nito. Nagpumilis siyang pumiglas pero kipit-kipit nito ang magkabilang braso niya.

"Miss na miss na kita, I am so sorry." and he started crying on her shoulders.

Nabigla siya sa pag-iyak nito and she pity him in an instant. This is the first time that she saw him cry and she thought all this time, siya lang ang umiiyak at nasasaktan. Ganoon din ba ito? But he lied, everything is a lie. Marco will always be a part of her life kahit na anong galit niya sa ginawa nito. She made her happy noong maayos pa sila at kahit pa niloko siya nito, pinaramdam nito noon ang pagmamahal sa kanya.

Nadala na siya ng awa rito, she slowly placed her arms and hugged him to comfort him.

"Please let me go and move on, Marco."

He cried even more. "I've been trying for the past years, Briana. Believe me, I love you with all my heart. Whatever you heard that night, it was all Marcela's. Please forgive me."

Hindi na siya galit, wala na ang malaking galit na matagal na namalagi sa puso niya. Ang tanging nararamdaman na lamang niya rito ngayon ay awa.

Nasa ganoong posisyon sila nang iluwa naman ng pintuan si Neil. At dahil nakaharap siya sa pinto ay kitang-kita niya kung pa'nong nagtagis ang bagang nito at halos mag-apoy ang mata nito sa galit.

"Neil, it's not what you think." agad niyang itinulak si Marco. Hindi niya alam kung bakit hindi siya magkandatutong magpaliwanag kahit alam niyang wala siyang ginagawang masama.

Agad siya nitong nilapitan and pulled her close to him. "Stop bothering my Briana. She's pregnant with my child and we are getting married next month." she could feel his urge to punch him but he contained his emotions.

Napaawang ang labi niya sa sinabi nitong buntis siya and the shock at Marco's face. Siguro mas masakit pa ito sa suntok kung ginawa man iyon ni Neil.

"Is it true?" bakas pa rin ang luha nito kanina and he looks like he's about to cry again.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang lalaki and closed my eyes. "Y-Yes. So please, stop seeing me already and move on."

It's better this way, kahit hindi naman totoong buntis siya, magiging totoo rin naman iyon soon. And he has to stop, lalo siyang naawa rito upon seeing how hurt he is. Akala niya, she will be happy to see him suffer but she wasn't raise to hurt other people's feeling by choice. He must have love her but their love story will not have a happy ending, it ended two years ago.

Nakita niya pang pumatak ang luha nito before he walked away. She felt so bad. Lahat ng galit niya for the past years, napalitan lahat iyon ng awa. Four years is such a long time to ignore him.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon