CHAPTER 5: Her Past

13.9K 274 5
                                    


Marahas na napatayo si Briana sa pagkakaupo nang pabalandrang bumukas ang pinto ng opisina niya.

Kasabay noon ay iniluwa si Marco kasunod si Evelyn.

"Briana, ayaw paawat ni Marco eh." Bakas na bakas ang pag-aala sa mukha ng sekretarya.

"I'll take it from here," iyon lang at isinara na ni Evelyn ang pinto. "What do you want?" agad niyang sita sa lalaki.

"I just want to talk to you, you need to hear me out, please."

Pinakatitigan niya ang lalaki. He looks horrible, gone is the guy she loved 2 years ago. The guy right now is a mess. His hair is a little bit longer than his usual clean cut. He has dark circles around his eyes. Not clean shaven. His black and white long sleeve ay basta na lang nakatucked-in sa black slacks nito.

The guy before is too neat and very much conscious of his looks. Feeling niya nga dati mas matagal pa itong magbihis kesa sa kanya. He's a little OCD, noong unang nakita niya ang closet nito ay namangha siya, magkakasama ang pare-parehong kulay ng damit. Everything is in order. Bawat necktie, medyas, sando, underwear ay may kanya-kanyang drawer at by colors din. Nahiya naman siya dahil hindi ganoon kalinis at ka-organize ang kwarto niya. And would you believe, laging me panyo ito sa bulsa!

"Isn't it too late for that, Marco?" patuya niyang sagot

"You never gave me a chance 2-years ago. All my efforts, kahit na napahiya ako sa lahat because you never showed up on our wedding day. Lahat 'yun kinalimutan ko dahil mahal pa rin kita. But you never gave me a chance to explain. And I thought, I could forget everything that we had but I was wrong. I still love you." Bakas na bakas ang paghihirap nito.

She gave him a mocking look, "Can you act a little bit more, medyo hindi kasi convincing." Pilit niyang itinago ang sakit ng kalooban.

Two years ago after niyang maglahong parang bula sa mismong araw ng kasal nila, hindi na niya ito nakausap ng ilang buwan hanggang sa makabalik siya ng bansa ng akala niya ay okay na siya. Nang malaman nito iyon ay nagpumilit itong kausapin siya kaya naman nagpasya na siyang mag-hire ng dalawang bodyguards hindi lamang ito makalapit. Halos araw-araw siya nitong ginugulo hanggang sa nagpasya na siyang harapin ito. The only thing she told him is she heard him and Marcela talking about their plan against her. Natigilan ito at namutla kaya sinamantala niya iyon para makaalis.

Iyon lamang ang ang una at huli nilang enkwentro ng lalaki at simula noon ay hindi na ito nagtangka pang guluhin siya kaya naman, inalis na rin niya ang bodyguards dahil wala ng rason para doon. For sure, sa sinabi niyang iyon ay tatahimik na ito- at least sa kahihiyan man lang.

Until they met few days ago, for some reasons hindi niya alam kung bakit nagsisimula na naman itong manggulo.

"I swear to God that everything I showed you before is true. Si Marcela lang ang gumulo ng isip ko and I am so stupid for believing her."

"You two are meant to be. Pareho kayong traydor! Kung totong mahal mo ako, you will never listen to her. And I thought you're a smart guy, Marco, you disappoint me."

"She seduced me! Lalaki lang ako na may pangangailangan."

Malakas siyang tumawa, so kasalanan niya pa dahil gusto niyang magpakasal muna before they consummate the marriage? Maybe it's time para magkalinawan na kami once and for all. Wala ng what if's!

"Granted na mahal mo ako, granted na wala kang balak na gawin ang plano ni Marcela but the fact that you cheated on me sa kahit kaninong babae," napailing siya. "that I can't ever forgive. Hindi pa man ay pinagtataksilan mo na ako at mas masakit dahil sa halos kapatid ko pa!" she won't cry, not again!

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon