CHAPTER 40: Crossover 2.2

3.3K 65 17
                                    

Thank you folks for the votes/comments:
bluerose_mazeil
wildblue14
AGirlWithASMallDream
mayjoy242
gha1224
AlynnahJanelle
LadylynGapor
yapimonica
Orlandoacupido
jhane3j

Nakangiting nilanghap niya ang sariwang simoy ng hangin na nagmumula sa Lake na nasa likuran lamang ng isang maliit na hotel na tutuluyan nila. Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang maliliit bato at buhangin at ang maliliit na alon.

"I love it!" she exclaimed. She can hear the waves from where they at. She would love to live here or anywhere near the ocean perhaps in the Philippines.

"We'll go there after checking in if you want." parang batang tumango siya sa asawa, kung siya lang ang masusunod ay gusto na niyang pumunta ngayon na mismo. Backpack lamang ang dala nila ni Neil dahil bukas ng tanghali ay uuwi na rin sila para hindi na sila gabihin sa daan.

"This hotel is not very fancy, but I love the view. I always stay here whenever I'm up here." nakangiting sabi ni Adie bitbit ang backpack nito sa isang kamay.

Hindi naman nagtagal ay lumapit na rin si Oliver dito at kinuha ang bitbit nito.

"I can carry my stuff, Ollie." kandadilat ang matang agaw ni Adie sa backpack nito pero nang itaas na ni Oliver ang backpack ay wala na itong nagawa kundi ang bumuntung-hininga, Adie can't reach it anyways.

"This is the least I can do since you drove us all the way here."

"It's not necessary." gigil na tinalikuran ito ni Adie at dumiretso sa bukana ng maliit na hotel.

"She's a brat but I love her." amused na sabi nito sabay kibit ng balikat bago sinundan ang dalaga.

"What do you mean there's no more room available?" may kataasan ang boses ni Adie kaya kahit na nasa pinto pa lang sila ay dinig na dinig na nila ito beside the fact that the reception area is just few feet away from the entrance door. "The other day when I made the reservations for 2 rooms, you said we might have the hotel for ourselves."

"I'm sorry Adie, someone called in this morning to reserved all the vacant rooms must be some sort of gathering or somethin'." apologetic na sagot ng receptionist na tantiya niya ay kilala na si Adie marahil dahil anito madalas na dito tumutuloy ang dalaga kapag pumupunta sa Wisconsin.

"How about the other side, Charlotte?" frustrated na tanong nito.

Kanina ay napansin niya ang katulad disenyo na nasa kabilang side ng hotel. Napapagitnaan nito ang daan papunta sa lake. Iyon marahil ang tinutukoy nitong 'other side.'

"Those are reserved too." nangingiwing sagot ng receptionist.

"With the same person?"

"Yes.."

"Unbelievable! Are they bringing the whole neighborhood over here." masama ang tinging ipinukol nito kay Oliver at mariing ipinikit ang mga mata saka bumuntung-hininga at bumaling muli sa receptionist na tinawag nitong Charlotte. "Do you have Tylenol, Charlotte. I have such a headache right now." sinapo pa nito ang noo.

"Of course." inabot nito kasabay ng susi nila ang gamot kay Adie.

"Thank you, Charlotte." pilit nitong nginitian ang receptionist bago lumapit sa kanila at ibinigay ang susi. "Our rooms are on the second floor, mine is across your room."

"How about mine?" habol ni Oliver dahil nilampasan lang ito ni Adie at tuluy-tuloy na umakyat sa hagdanan at hindi man lang ito lumingon.

Umigkas ang kilay niya dahil huling-huli niya itong nakangiti habang hinahabol ang nagdadabog na si Adie paakyat. Parang alam na niya kung ano ang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon