CHAPTER 8: Sleepover

14.5K 276 6
                                    

This chapter is dedicated to dhericaces. Thank you for voting. U made my day!

"W-Why?" tanging nasabi na lamang niya. Bigla na naman sumikdo ang dibdib niya. Teka parang nangyari na 'to ah. Is this a payback?

"For one, you ex-boyfriend's still waiting for you outside so I'm driving you home. Second, I am too tired to drive back home."

Parang hinaplos ang puso niya dahil iniisip pa rin siya nito. Hindi na siya nakahindi nang akbayan siya nito and she could smell his manly scent again. Haaay, ginagayuma na ata ako ng lalaking 'to.

True enough, naroon pa rin si Marco sa sasakyan nito na tila talagang hinihintay pa siya. Hindi na niya muli pa itong nilingon at sumakay na lamang siya sa sasakyan ni Neil. Ipapakuha na lamang niya ang kotse bukas ng umaga.

"Thank you, N-Neil." crap! kailangan talagang manginig kausap pa lang ito? Kahit siya ay nagugulat sa inaasal niya. Simula nang matulog ito sa unit niya ay walang araw na hindi sumagi sa isipan niya ang lalaki, kung minsan pa nga ay napapatulala pa siya.

She was so disappointed nang malamang wala pala sa bansa ang lalaki, that means hindi niya ito makikita for few days.

"Happy to help. I had fun tonight."

"That's great. I hope you are there next year and years after that." pinilit niyang pakaswalin ang sarili.

"Sure. I almost won Lady Gaga's fake pinky nail!"

Napabunghalit siya ng tawa, kahit siya ay hindi niya inaasahan na magbi-bid ito kanina for the singer's nail.

"I have a cousin whose crazy in love with Lady Gaga, but oh well." nakangiting kibit nito.

Napunta iyon sa isang bidder na hindi na siya magtataka kung big fan ng singer dahil may pagkakahawig din ang fashion style nito sa Hollywood singer.

"Are you hungry or anything? I'll stop by to get you food."

"Pagkain na naman? Hoy, Mr. De Ocampo, plano mo ba talagang gawin akong lumba-lumba?" pinamewangan na niya ito kahit na nakaupo.

Diretso pa rin ang tingin nito sa daan habang nagmamaneho pero ngumiti. "This is a busy night for you, who knows."

"Kahit yung salad lang ay okay na sa'kin hanggang bukas ng umaga, akala mo ba hindi ko nakakalimutan na halos mabilaukan na ako sa bilis mong sumubo??"

"Buti nga pagkain lang sinubo ko eh." bulong nito.

"Anong binubulong-bulong mo dyan?"

"Wala, I said, why don't you close your eyes and rest. I'll wake you up when we get there."

Kahit gusto niya pang makipagtalo ay kusa nang pumikit ang mga mata niya. It was a long day, alas singko pa lang ng umaga ay naroon na siya sa venue kanina to make sure that everything is perfect according to the plans. Umuwi lamang siya kanina to rest for few hours and went back. It's worth the effort though.

Nagising siya sa mahinang yugyog sa balikat. She slowly opened her eyes and saw him few inches away from her.

"Hi, had a good nap?"

Napangiti na rin siya when he smiled. Sino ba ang hindi mahahawa sa ngiti nitong ulam na. She brushed the thought away, masyado na yata siyan nagiging mahalay lately. No her normal self at all. Not even her heart.

"I do, thanks."

"Why did u woke up too quick?"

Napaisip siya. "Why not? You woke me up." bakas sa antok niyang mukha ang kalituhan.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon