CHAPTER 22: Chase

10.5K 315 12
                                    

Happy Valentines y'all! Thank you for voting for each and every chapters, best valentines gift ever:
jhinrose19
BulaklakdeLeon
monicaviera
lyza77
pauleenz
SERAHFINAH

Literal na napatalon siya sa kama pagkatapos niyang mabasa ang text ng kung sinuman. She can't think of anything else but Neil's safety.

"Diyos ko Briana, buntis ka wag kang mag-ala stuntwoman!" tili ni Rose na nagulat sa ginawa niya.

Agad siyang natigilan sa balak sanang pagtakbo sa pintuan. Oo nga pala!

"I have to go home now." she's shaking in fear grabbing her purse getting ready to go.

Rose grabbed her arm and stopped her. "Teka teka teka lang. I can't let you drive like that."

"I can handle myself, Rose, I'll call you later, I gotta go." wala na itong nagawa because she zoomed out of her house, within seconds she disappeared from her sight.

She's praying silently while driving.

I can't lose you, Neil. Pinahid niya ang luha, she has to be there on time, she knows that she is driving beyond the speed limit but who cares. All she thinks right now is his safety.

Nakidnap ba si Neil? Pero bakit sa bahay siya nila pinapapunta? Hostaged? Oh my gosh! When she hit the red light, she dialed the number.

"Who are you? What did you do to him?" sigaw niya as soon as someone answered her call.

"20 minutes.." matigas na sagot ng nasa kabilang linya before the call ended.

Babae ang nagsalita. Hindi kaya kasabwat ito ng me hostage sa asawa niya? Wala na siyang pakialam kung ano ang maabutan niya sa bahay nila. Hindi na niya naisip na tumawag pa ng pulis because she's rushing to get there on time. Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya bawat minutong magdaan.

"Get the hell out of my way!" she yelled and honk the horn at the black car that suddenly changed lane without a warning in front of her. "Why am I hitting all the freaking red lights??!" muli niyang sigaw. She's against road rage but right now she's too close to being one. She looked at the time and once again cursed.

10 minutes!

"Seriously, of all days. All the stupid drivers are out here?" she once again honked the horn longer this time, she is so tensed she needs to do something and unfortunately honking horns is one of the 'something.'

Padaskol niyang ipinarada ang sasakyan sa garahe at mabilis na umibis palabas. Pinihit niya ang seradura ng main door at hindi nakalock kaya tuluy-tuloy na siyang pumasok.

"Neil..Ne..ikaw?" saglit siyang natigilan sa akma sanang paghakbang nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya. "Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko?!" umalingawngaw sa buong bahay ang boses niya, kaagad na nabalot ng selos ang utak niya nang makita kung sino ang prenteng nakaupo sa salas nila at halatang hinihintay siya.

Ang babaeng nakita niyang kayakapan ni Neil. Susugurin na sana niya ito nang maalalang buntis nga pala siya kaya gigil na gigil niyang ikinuyom ang kamay niya at nanatili s kinatatayuan. Mas maganda ito sa malapitan. Kahit hindi niya aminin ay nakaramdam siya ng insecurity dito.

Did she spend the night with her husband while she can't sleep all night thinking of him? At her house? Unbelievable! She could kill her right now!

Agad na tumayo ang babae at penameywangan siya. "So, ikaw pala si Briana?" inis nitong tanong. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa mukha niya.

Wait a second..is she being cocky inside her house? Ang kapal ng mukhang umasta na ng babaeng ito. Ni hindi man lang nahiyang narito ang totoong asawa sa harapan nito. Ginaya niya ang ginawa nito, pinasadahan niya rin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. She's full of confidence for a kerida.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon