CHAPTER 1: The Meeting

42.7K 413 14
                                    

"Briana, Mr. De Ocampo is here. Are you ready to take him in?" boses ng secretary niyang si Evelyn sa intercom. She's been her secretary since she agreed to manage the Sebastian's Construction Group a year after she graduated from College. She probably 2 or 3 years older than her.

"Send him in Evelyn." She coldly told her. Ang totoo, wala siyang kainte-interes na makausap ang DO Construction Supply Co. Me napili na kasi siyang proposal before they even entered the picture.

Persistent lang daw talaga ang Mr. De Ocampo na 'yun at hindi tinatantanan ang sekretarya nia ng kakatawag kaya siya rin ang kinulit nito na kausapin na saka niya harapang tanggihan. What a waste of time pero napapayag na din siya ng sekretarya.

Narinig niya ang mahinang katok bago bumukas ang pinto. Naunang pumasok si Evelyn at kasunod na ang lalaki. Maya-maya narinig niya na lang ang mahinang pagsara ng pinto pero hindi pa din siya nag-aangat ng tingin. Ilang lingo na niyang pinag-aaralan ang bagong five-star hotel na ipatatayo nila, iyon ang dahilan kaya kailangan nila ng karagdagang supplier dahil hindi na ma-accommodate ng Cement Supplies Co. ang demands nila. Nagkasabay-sabay kasi ang construction nila ng isang mall at dalawang condominium buildings.

"Have a seat," she coldly told him without glancing at the man.

Nang mapansin niya na walang umuupo sa harapan ng desk niya ay saka lang siya nag-angat ng tingin.

And Holy Cow! (Say it slowly) Kamuntik ng mahulog ang panty niya sa sahig--siya pala sa kinauupuan niya!

The man is a God! A freaking good-looking God!

He is wearing a grey 3 piece suit and a shiny black shoes. He's probably six feet tall with a macho body. Macho? Boy! When was the last time she used that word? Gusto na niyang sipain ang sarili but she can't help but check him out even more.

Dumako ang tingin niya pataas, papunta sa mukha nito. He has the most beautiful eyes she'd ever seen! His piercing grey eyes and curly lashes is looking at her right now. Tagos hanggang sa likuran niya! And his proud nose and kissable red lips, oh my! Kung di niya lang napigilan ay muntik na siyang mapakagat-labi. Wth! Maniac na ba siya?

Kailangan na yata niya ng pamaypay, she's starting to feel hot but she has to snap out of his charming spell!

"Are you done checking me out Ms. Sebastian? Nice to meet you--finally" he smiled and showed his most charming white teeth.

Kamuntik na naman siyang napatanga, he has the most beautiful smile too. Damn, lahat sa lalaking ito ay beautiful, pwede ba 'yun? Kahit si Marco ay walang panama dito. Pagkaalala niya sa lalaking iyon ay agad na nagsalubong ang kilay niya. She's back to her senses now.

"Yes, I am done. I'm very impressed actually." She said coldly and looked at him without any emotion. "Sit down, please." Iminwestra niya rito ang upuan sa harapan niya. "What do you have for me, Mr. De Ocampo?"

Agad namang inabot ng lalaki ang folder sa kanya and she don't have any choice but look at the proposal as well as the quotation. Napaangat ang kilay niya, this is a very good offer to reject.

Muli siyang nag-angat ng tingin para sana sabihin dito ang desisyon niya nang mahuli niya itong nakatitig lang sa kanya. Sinamantala niya ang pagkatulala nito sa kagandahan niya at muli niyang itinuloy ang pag-aaral din sa mukha nito.

Medyo pangahan ito and he got little stubbles around his face, she finds it sexy and enticing. Bumagay din dito ang medyo wavy nitong buhok na mukhang daliri lamang nito ang ginamit to style it. Hindi na niya napigilan ang mapalabi.

Kung ibang pagkakataon at panahon, malamang kinilig na siya at hinabol-habol na ito. He's undeniably beautiful, sexy and perfect!

"We're even," binigyan niya rin ito ng nakakalokong ngiti na ikinakurap nito.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon