CHAPTER 7: Charity Ball

13.5K 274 8
                                    


"This is amazing, Bri." Napalunok muna siya bago humarap sa nagsalita. Kasalukuyan siya noong nakikipag-usap sa ibang bisita.

She gave him a fake smile dahil ayaw niyang gumawa ng eksena sa mismong SCG Annual Charity Ball na kasalukuyang ginaganap. Mula nang pamahalaan niya ang SCG ay may itinalaga na siyang committee to organize the event every year. The proceeds will go to the three charities na napili nila since the Charity event started years ago.

"Thank you, Marco. If you'll excuse me, marami pang mga guests na hindi ko nababati."

Akmang tatalikuran na niya ito nang hawakan siya nito sa braso. "Can we talk?" hindi na siya nito hinintay pang sumagot. "I'm sorry about last time, I didn't mean to hurt you or force you."

"You're forgiven if you'll let me go right now." Mahinahon niyang saad.

"After the dance, I will."

She pursed her lips, "But you mean forcing me right now." alam nito na kahit labag sa kalooban niya ay makikipagsayaw siya rito dahil maraming taong naroon. Palihim niya itong tiningnan nang masama bago sumama rito sa gitna kung saan may mga kaparehang nagsasayaw na rin.

"You left me with no choice, Bri."

"Stop whatever you're planning to do tonight, Marco." Agad niyang banta dito pagkatapos siya nitong hapitin palapit dito ang started swaying with the music.

Kung titingnan ay parang normal lang naman silang nagsasayaw but they should know them to tell that something is not right.

"You look so lovely tonight, darling. And you still smell the same."

Kung dati ay kilig na kilig siya kapag sinasabi nito iyon ngayon ay galit na ang nararamdaman niya. He wasted everything!

"Why are you doing this, Marco? Hindi ba't ikakasal na kayo ni Marcela to start acting like a crazy stalker!"

"I never asked her to marry me. She assumed we will."

"Oh just like how you did to me huh? Bad habits are hard to break." sarcastic niyang saad. Naramdaman ko ang kamay niya pababa sa bandang puwitan ko na ikinalaki ng mata ko. "What are you doing? Stop it!" asik niya rito at pasimple niyang hinawakan ang kamay nito at ibinalik sa bewang niya.

"You are different from her, darling. I asked you to marry me, I never asked her that. I miss holding you like this"

Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa punong-tainga niya dahilan para mapapikit siya. Nalilito siya kung ano ang dapat maramdaman, aminado siya na hindi pa totally naka-move on ang feelings niya sa lalaki but one thing is for sure, she will never allow herself to take him back. Their deceitful romance died years ago!

"Stop acting as if nothing happened. And stop reminding the past to me." She snapped.

"I still love you and I intend to have you back...in any way."

Muli na namang nabuhay ang takot sa dibdib niya. Paano kung ulitin na naman nito ang pangha-harass nito last time? At paano kapag itinuloy na talaga nito iyon?

"H-Hindi na kita mahal, Marco. Please, let's move on with our lives."

"No, you still love me, I can feel it. I know you too well not to know. Just give me another chance to prove it to you."

Hindi na siya kumibo, useless na makipagtalo sa taong sarado na ang utak sa katwiran. At nang matapos ang sayaw ay hindi pa rin siya nito hinihiwalayan, panay sunod nito sa kanya habang binabati niya ang mga guests.

"You said, you will leave me alone after the dance." Hindi na siya makatiis na sita dito.

"I didn't promise anything, darling." Nakakaloko itong ngumiti ang tried to place his arm around her shoulder.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon