CHAPTER 29: Infatuation

9.6K 261 13
                                    

Salamat po sa mga nagpa-follow and sa mga votes and comments niyo sa bawat chapters, you guys are amazing:
annecritica
MCristinaFalls
Lucylee_Yoj_18
chinsalazar73
lynne19
Daughn
analynbayate
a06061994
SheenaCarlaCruz
MattyIsTheName---next chapter po ang ibang hindi ko nabanggit, utang muna✌️1434

Ansabe???? Neil ko?

Eh kung pinipilipit ko kaya ang lalamunan ng babaeng 'to?

Susugurin na sana niya ang babaeng nakayakap sa asawa na kulang na lang ay lumambitin nang maalalang nasa bakuran nga pala sila ng mga inlaws niya. Mabilis niyang kinuha ang tubig sa tabi niya para pakalmahin ang sarili.

Wala man lang bang nakapagsabi maski isa sa mga kamag-anak ni Neil sa pamamahay na 'to na me asawa na si Neil?

Dali-dali na siyang bumababa ng sasakyan dahil pinupupog na ng halik ng babae ang mukha ng asawa habang si Neil ay parang tood na nakatayo. Marahil ay nabigla sa biglang pagsulpot ng babae. Lumigwak na ang kumukulong dugo niya sa ulo sa sobrang selos. Shit, hindi na uubra ang inhale-exhale sa'kin ngayon! Malakas na binalibag niya ang pinto ng sasakyan pasara, wala siyang pakialam kung magkandatanggal ang turnilyo sa lakas ng impact nito. She'll buy another one, who cares!

Tumingin siya sa main door ng mediterranean style home ng mga De Ocampo kung saan naroon si Yani na mukhang shock na nakatingin din sa dalawa. Dali-dali siyang lumapit, hindi na siya nagdalawang-isip na hawakan ang isang kamay ng babaeng nakahawak sa mukha ni Neil at binalibag.

Peste, wala na siyang pakialam kung nakita man iyon ni Yani. Hindi siya santa, kung yakap matitiis niya pa--siguro? Pero ang halik? Paduguin niya pa ang nguso ng babaeng 'to nang di na makahalik kahit kailan eh.

"Bitawan mo at tigilan mo ang kahahalik sa ASAWA KO kung ayaw mong may dumugo sa mukha mo!" pinipilit niyang magpakahinahong banta rito. Kahit paano ay iniisip niya naman ang salitang manners kahit gusto na niyang iwasiwas habang hawak ang buhok nitong umabot na ata sa baywang ang haba.

Nanlaki ang matang napatingin sa kanya ang babae pero hindi pa rin kumikilos. Nabigla sa sinabi niya o nabigla sa presensya niya, alin man sa dalawa.

Ni hindi man lang ba nito nakita na papalapit na siya. Ang kiri! Lalong nag-init ang ulo niya.

"Let me go Liz, masamang magselos ang asawa ko specially now that she's pregnant." Neil said so amusedly.

Unti-unting bumaba ang kamay ng babaeng tinawag nitong Liz habang napapalunok. "I-I'm sorry, old habits."

Old habits? Ganoon ka-close ang batian talaga? Ganito na ba ngayon ang beso-beso? All over ang kiss marks ?? Eh di wow!

Napatingin siya sa asawa na amused pa rin na nakatingin sa kanya. Lihim niya itong pinandilatan ng mata at siniko.

May nakakatawa ba? May nakakatuwa ba sa nangyari? Bakit ba kung kailan nanliligaw siya saka naman may magsusulputan na mga karibal niya na kung hindi binabae, babae talagang totoo. At kung bakit tinaon pang buntis siya na para siyang asong bagong panganak palagi ready to bite any woman na lalapit kay Neil. Sarap sakalin ni hormones!

"Briana, this is Liz- Yani's bestfriend..she's like a sister to me too." ngingisi-ngising pakilala ni Neil.

Little sister? Eh bakit parang ayaw atang pumayag nitong Liz na 'to, nakita niyang may gustong sabihin si Liz pero hindi nito itinuloy. Agad niyang inirapan si Neil at hindi niya malaman kung ngingiti ba kay Liz o hindi dahil naunahan na siya ng selos. She doesn't like the fact that she kissed him--at all but then again, she's an educated woman. She has to stay her cool.

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon