CHAPTER 26: Confession

10.3K 260 4
                                    

Sa mga nagpabaha ng notifications ko for voting and commenting for each chapters, sige lang mas pabahain niyo pa, i don't mind haha salamat po ng marami guys:
charm_in_the_city
opalGem
meshelllucilo
mahdudz00
dhissa
AngelinPaquera
cristichiemond
Mikay0520
RoseAnnMalabuyoc
ChocoCrunch
AprilynUrbina

Day 1:
Agad niyang sinugod ng yakap si Neil pagkasarang-pagkasara nito ng pinto ng opisina niya.

"Whoa, wife. Slow down!" natatawang saway nito sa kanya, sa kabilang kamay nito ay ilang pirasong plastic na alam niyang mga pagkaing sinabi niyang gusto niyang kainin habang sa kabila naman ay hawak nito ang melon shake. Lunch na at kabilin-bilinan niyang wag kalimutan ang melon shake.

"I missed you, it feels like I haven't seen you in ages." malambing niyang inihilig at ulo sa matipuno nitong dibdib at mahigpit itong niyakap.

"Are you sure it's me or the melon shake?" nanunukso nitong sagot.

Kumalas siya at excited na inabot mula rito ang shake.

She batted her eyelashes before she answered him. "You are the best Daddy in the world!" bulalas niya sabay sipsip.

Agad itong natigilan sa sinabi niya at nakakunot ang noong tinitigan siya nito.

"Something wrong?" nagtatakang usisa niya.

"I-I am not for sure if I could be the best daddy." alinlangang sagot nito saka iniiwas ang tingin.

Naaawang nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha saka hinuli ang tingin nito. "You are. I never doubt it, you know why? Because you always make sure I am happy everyday and I'm sure you'll do the same thing to Appleseed." lalo niyang pinagdiinan ang sinabi niya. "I'm one hell of a lucky spoiled wife otherwise liligawan ba kita?" nginitian niya ito at kinurot ang baba nito ng may kalakasan.

Napangiwi ito at hinimas-himas ang baba. "Ow, ayan ka na naman eh, baba ko na naman napagdiskitahan mo and yes, I am glad you are aware that you are a spoiled wife!" sumeryoso ito bago muling nagsalita. "I am trying to make you happy..always."

Gusto na naman niya sanang kurutin ito dahil ang cute cute nitong tingnan habang hinihimas ang baba. "And forever?"

Tumango ito at ngumiti. "Forever."

Agad siyang kinilig sa sagot nito. "Siguradong-sigurado na ako na malapit mo na akong sagutin. Obvious namang inlove na inlove ka na eh, sabihin mo na kasi." udyok niya.

Humalakhak ito. "Opo, inlo-ke na inlo-ke ako sa'yo sobra! Okay na?"

Mabilis siyang sumimangot.

Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa visitors area at inilapag ni Neil ang dalang mga pagkain sa coffe table. Akmang aayusin na niya ito nang pigilan siya nito.

"Just sit down, I'll do it." matamis siya nitong nginitian bago isa-isang nilalabas ang containers ng pagkain.

"Lalo mo naman akong pinapa-inlove eh, sige na nga ayoko na kay Thor. Ikaw na lang tutal kinikilig naman ako sa'yo kahit paano." ngingisi-ngisi niya itong tiningnan nang lingunin siya nito ay matalim ang tingin nito sa kanya.

"I'll make sure he'll stay in Asgard! Kinikilig kahit paano? Is that your undies on the floor?" sabay turo nito sa paanan niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Neil, watch your mouth!" namula siya sa sinabi nito. Ganun ba kahalatang kilig na kilig nga siya?

"You started it." iiling-iling nitong katwiran na parang bata. "Where's my kiss? I think I deserve a kiss after I looked for all the foods that you want to eat."

Mr. BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon