"Naku, buti na lang din. Mag-aaya lang yon ng date, saka kahit naman siguro hindi mo pinuntahan non si George, sayo pa rin sya sasama. Ayiiiee~" tukso nya sa akin sabay pindot pa sa gilid ng bewang ko.

"Psh. Magtrabaho na tayo Mildred, masyado na akong kinikilig kakatukso mo." sabi ko na ikinatawa nya.

~~~~

A week have passed since George's birthday, I woke up as usual feeling good because that's just my mood every single day that I am here in their home. Nang buksan ko yung backpack ko containing my things, saka ko napansin yung journal ko.

I opened it and smiled when I saw the sunflower he gave me dried nicely, inipit ko kasi sa journal ko yung bulaklak ng pansin kong malapit ng malanta. That's where I looked at the written scribbles, I wrote this before, on my first week here, iyong mga gusto kong gawin at maranasan habang malayo ako sa pamilya ko at sa mga bodyguards ko.

Napangiti na lang ako nang magawa ko naman lahat, just normal things, but I didn't expect to fall in love along the way to someone like George Magpili, na-ignore lahat ng nakalistang qualities ng ideal guy ko dahil sa kanya, except sa maalam magluto. I laugh at that.

I just close my journal again and kept it in my bag, iyon ang pinakaimportanteng gamit ko ngayon, doon kasi nakaipit lahat ng polaroid pictures na kinuha ko dito pati na rin yung, well, sunflower na bigay ni George. 

Lumabas na din ako ng bahay nang makapag-ayos ako, I'm wearing a simple shirt and short jeans when I saw George watering the plants, ngayon may tubong bulaklak na kaya agad akong napalapit sa kanya. 

"Namumulaklak na sila! They're so pretty!" I said and that just made him laugh. Tinignan ko yung paligid ng bakuran nila at napangiti na lang ako bago ko ulit binalingan si George.

"See? I told you, gumanda lalo yung bakuran nyo." sabi ko na ikinangiti nya bago nya binitawan ang pandilig na hawak nya, nagulat pa ako nang hawak nya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay.

"Bakuran natin, yung mundo ko parang itong bahay namin, walang kulay, walang buhay. Pero noong dumating ka, ginulo mo, pero pinasaya mo kami, ako." I smiled because of that.

Sobrang saya ng puso ko na ayaw ko ng matapos ang lahat ng ito, kung pwede lang na sa tabi na lang ako palagi ni George, but I have a life planned for me before all this and I have a duty as a daughter to my family.

Pero sa sobrang kasiyahan ko, sa sobrang tuwa ng puso ko at sa tingin na ibinibigay sa akin ni George na parang ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo, parang kaya ko ng maging matapang, parang kayang-kaya ko ng harapin ang mundo ko basta nandito sya sa tabi ko at magkahawak ang kamay naming dalawa.

"I would gladly give colors to your life over and over again because that's what you did in mine too. Kahit annoying ka talaga minsan." sabi ko na ikinatawa naming dalawa.

"Para sayo..." sabi nya bago iniabot sa akin ang bungkos ng bulaklak na ginawa nya, it was the different variations of the flowers we planted that made me laugh but I love this more than any of the bouquet I've received in my entire life.

"Thank you, I love this." I said.

He held the back of my head using his one hand before planting a kiss on my forehead, matagal, na tila doon nya pinaparating sa akin ang nararamdaman nya. Nang humiwalay sya sa akin, napangiti na lang ako kasabay ng pagngiti nya.

"I really----"

"Sammy!" nahinto ang sasabihin ko sana nang may tumawag sa pangalan ko, parehas kaming napatingin kay Tita May na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Something NewOn viuen les histories. Descobreix ara