Inilabas at pinatong ko yun sa kama at saka lumabas ng kwarto, magkausap na pala silang magkapatid sa may kusina kaya naghain na lang ako sa lamesa bago pasimpleng inabot kay Em-em yung card na ginawa nya. 

George then placed the late breakfast he cooked, eggs and tuyo saka fried rice. I made coffee for the both of us and water for Em-em before I sat on my usual seat. 

"Inumin mo'to pagkakain." sabi nya bago iniusod ang isang tablet for headaches.


"Thanks..." I said as I gave him a smile, he just cleared his throat before we started eating.

Pagtingin ko kay Em-em, hindi pa nya naibibigay yung card, mukhang nahihiya pa. So after we ate, I signalled Em-em to give it to his brother using my eyes, para yata kaming ewan ng bata na nag-uusap gamit ang mga mata na syang ikinakunot ng noo ni George.


"Ano yon? Gamitin ang bibig, wag mata." sabi nya sa amin na ikinatawa namin ng mahina ni Em-em, pero napatahimik din ako nang maalala ko yung sinabi ko kahapon kay Clarissa.

Oo nga naman, use the mouth kasi to speak! I laugh at that thought.


"Sige na Em, go on." I said and he nodded. Saka nya inilabas yung short bond paper sized na card na pinagtulungan naming gawin. 


"Para sayo po Kuya, happy birthday!" sabi ni Em-em na nakataas pa ang dalawang kamay, I chuckled at that.

Nakita kong napangiti si George nang kuhanin ang card na ginawa ni Em-em. It was a drawing of them both, tapos may kung anu-anong designs, may maikli syang letter para sa kuya nya na hindi ko na masyadong binasa because I think I will be invading too much kung pati yon ay babasahin ko pa.

"Salamat Mikko, at kailan mo naman 'to ginawa?" 

Ginulo nya ang buhok ng kapatid habang nakangiti at hinayaan ko na muna silang magkwentuhan at ako na ang nag-urong ng pinagkainan. Ako na din ang nagsimulang maghugas ng pinggan habang nakikinig lang ako sa kwentuhan nilang magkapatid.


"Nung isang isang isang araw po kuya! Tinulungan ako ni Ate Aurora!" natawa na lang ako ng mahina habang naiiling, ang daming isang araw ni Em-em.


"Ang dami mo namang isang araw." biro ni George sa kapatid at nang silipin ko sila, ngumuso si Em-em bago lumuhod sa kinauupuan nya para masilip nya din yung ginawa nyang card.


"Basta kuya, dinrawing kita dito. Nakangiti ka na oh, tapos, tapos dito ako, tapos si nanay yung nasa maliit na heart." nagtama ang mga tingin namin ni George pero ngumiti lang ako bago bumalik sa ginagawa ko.


"Tapos nandito din si Ate Aurora..." dagdag ni Em-em, my heart melted with that.

Kaya magana kong tinapos ang paglilinis at nang matapos ako, nagulat ako nang si George na lang ang nandoon sa may dining table. Nakapangalumbaba sya habang nakatingin sa akin na ikinapula yata ng mga pisngi ko.

Ba't kailangan may pagtitig? Huwag syang ganyan at kinikilig ako nakuu!

I just pretended that everything's normal though.


"Si Em-em? Biglang nawala?" takang tanong ko.


"Nagpaalam na maglalaro kasama si Buboy." sabi nya at tumango naman ako. Akmang tatayo sya pero pinigilan ko.


Something NewKde žijí příběhy. Začni objevovat