Chapter Thirty

5.7K 102 5
                                    

Chapter 30

 

 

a/n: 1234567890 lightyears ang lumipas at nakapagUD din. Pasensya na po kung super extremely late. Kahit ako po nababanas at almost 1 month na hindi po ako nagUD. Nahirapan po kasi talaga ako, kaya I’m sure na hindi ito ganun kaganda. [Dedicated po kay xCrazyGirlx, sorry po kung napatagal po ang dedication ko sa inyo :/ ]

-FanTOP-

“Ano?! K-kayo na ni Justin?” gulat na tanong sakin ni Rhea matapos kong sabihin sa kanya ang lahat.

“Ang ingay mo… kakasabi ko lang diba?” mataray na bulong ko sa kanya, ang ingay kasi halos marinig na sa bawat sulok ng cafeteria yung boses niya.

“Bakit ba masyado kang gulat diyan?” nagtatakang tanong ko sa kanya

“Diba ikaw dyan yung nang-aasar sakin na baka ligawan ako ni Justin?” pagkatapos kong sabihin yun bigla na lang bumalik yung kalmadong ekspresyon niya.

“Kaya nga nang-aasar diba? Akalain ko bang may gusto nga talaga siya sayo” mahinang sagot niya na siyang kinabigla ko.

“Hahampasin kita eh, magsalita ka pa ng pabalang” mainit na ulong pananakot ko, pagkatapos nun bigla na lang akong nakaramdam ng kamay na umaakbay sa akin kaya naman napalingon ako.

“Kelan pa naging kayo?” biglang singit ni Seven sa likod ko

“N-nung nakaraan lang” mahinang sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon

“Hmm…” sabi lang niya at umupo na sa tabi ko, pagkatapos nun ay lumapit siya sa bandang tenga ko at bumulong.

“Umamin sayo si Jerome diba? Bakit di mo man lang pinagbigyan?” bulong niya na naging dahilan kaya biglaan akong nakaramdam ng konsensya.

Walang dahilan para mapagbigyan ko si Jerome. Umamin nga siya pero siya na ang nagsabi na hindi naman niya ko liligawan. Siya ang umiiwas hindi ako. Pero maganda na rin siguro yun, alam ko naman kasi sa sarili ko na si Justin ang gusto ko kaya sa umpisa pa lang ay wala nang pag-asa si Jerome.

“Ano?! May gusto rin sayo si Jerome?” singit bigla ni Rhea nang marinig ang pinag-uusapan namin pero hindi na namin siya pinansin at nagpatuloy kami ni Seven sa pag-uusap.

“Ayos lang naman kami eh, alam niya sa sarili niya na wala siyang pag-asa… kaya siya na mismo ang umiiwas” sabi ko habang pahina ng pahina ang tono ng boses ko

“Natural iiwas yun, hindi ka ba maiilang kung sakaling lumapit siya?” tanong sakin ni Seven kaya naman napa-isip ako

“Hmm… siguro, baka? Pwede… ewan ko” naguguluhang sagot ko

“Hayaan mo na siya” biglang singit uli ni Rhea habang nakatingin sa cellphone niya, natuwa ako dahil siguro naiintindihan ni Rhea kung ano yung gusto ko.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now