Chapter ThirtySix

4.5K 91 4
                                    

Chapter 36

a/n: Nagsembreak na yung utak ko!! Sobrang inactive June, July, August, September, October harujusko!! Pagpasensyahan niyo na po kung ang tagal kong hindi nagUD. Sabaw ang long awaited UD!! Walang laman :'( Nahirapan po talaga ako simulan ang chapter 36, may mga plano na pero hindi lang malagyan ng opening sorry po talaga >.< Thank you nga po pala sa mga nagFollow at naglagay nito sa ReadingList nila babawi na lang po ako :) [Dedicated to JulianeMalacasDalipe, thank you kasi sinabi mong kakaiba yung story ko :">] 

-FanTOP-

"Sige Ysabella, bibigyan na lang ulit kita ng time" sabi nya at naglakad na palayo. Gusto ko siyang pigilan pero walang boses na umalabas sa bibig ko, gusto ko siyang pigilan at magpaliwang sa ginawa ko.

"Jero--" nagkaroon na ko ng lakas na sumigaw at habulin siya nang biglang may humawak sa braso ko at pumigil sakin, lumingon ako para tignan kung sino.

"Don't go" nagmamaka-awang sabi ni Justin habang hawak niya yung braso ko. Anong ginagawa ni Justin dito? Kung kelan naman paayos na ang lahat...

"Sorry..." sabi ko na lang at tinanggal ko yung kamay niyang pumipigil sakin. Umalis ako palayo sa kanya habang naririnig ko siyang tinatawag ako.

"Ysabella... Ysabella!!"

"-lla! Ella... Ella!" unti unti kong dinilat yung mga mata ko nang may marinig akong tumatawag sakin.

"Kanina pa kita ginigising Ella, buti naman at nagising ka na" bungad ni Rhea nang mapansin niyang nakadilat na yung mata ko.

"A-Anong ginagawa mo dito? At pano ka pala nakapasok?" walang gana at nagtatakang tanong ko sa kanya habang inaalam ko yung oras sa alarm clock ko. Panaginip lang pala ang lahat, akala ko naman....

"Galing kay Seven yung susi, hindi ko alam kung bakit pero spare key siya ng apartment mo" sabi niya habang hawak niyang pinapakita yung susi ng apartment ko.

"Anyway nag-aalala lang ako sayo Ella, ilang linggo ka nang di pumapasok tapos maabutan pa kitang ganyan" malungkot na sabi niya habang inaayos yung buhok kong nakaharang sa mukha ko.

"I'm fine" walang ganang sagot ko habang inaalis yung kamay niya sa mukha ko.

"Sinong niloko mo? Tignan mo nga yang sarili mo, halata namang maghapon ka nanamang umiyak eh" sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako at tinakpan ko yung mata ko. Hindi na niya kailangan pang sabihin at hindi ko rin kailangan pang tumingin sa salamin. I can't help it, sa tuwing naiisip ko yung ginawa ko kay Jerome nung umalis kami basta basta na lang akong maiiyak. Naguiguilty parin ako sa ginawa ko, tinulak ko siya eh... hindi ko naman dapat sisihin si Justin porket ba narinig ko lang yung pangalan niya nun.

"May lakad ka?" nagtatakang tanong ko kay Rhea nang mapansin kong nakasemi-formal dress siya.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now