Chapter TwentyFive

5.5K 102 6
                                    

Chapter 25

a/n: Ang hirap din mag-isip ng dahilan ng pagkamatay ni Aubrey ha. Medyo… na-author’s block ako dun. Anyway, I hope reasonable naman yung dahilan ko. Ngayon na ko nagpost dahil magTa-Tagaytay ako bukas. Retreat namin at first ko niyan dun. [Dedicate kay Byunghyun, gets mo na ba yung flow na pinapaliwang ko? Tagal mong nakapick-up kanina eh xD ]

-FanTOP-

Tatlong araw na rin ang nakakaraan simula nung hinalikan ako ni Justin. Hanggang ngayon iniiwasan ko muna siya, ayoko muna kasi siyang Makita. Ano ba kasing pinaggagawa niya?

“Ang tahimik mo talaga Ella” pagrereklamo ni Rhea, ayokong magkuwento dahil sigurado akong hindi rin naman niya maiintindihan... masyadong komplikado.

“Okay lang naman ako” sabi ko habang pinipilit kong ngumiti at pinalo siya sa braso. Nagitla ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

“B-Bakit?” kinakabahan na tanong ko, hindi niya ko sinagot instead eh nilapit niya yung mukha niya sakin na parang may chine-check.

“Sasapakin kita” pagbabanta ko sa kanya

“Ang ganda ng singsing mo ha” sabi lang niya sabay kain ng inorder niya.

“A-ah…” wala sa sariling sabi ko habang hinahawakan ko yung singsing

“San mo nakuha? Regalo?” pagtatanong niya, tinignan ko yung singsing na suot ko. Medyo napabuntong hininga pa ko at ngumiti ng pilit.

“Bukas ha? Kita na lang tayo” narinig kong sabi ni Aubrey.

“Okay, 4 pm?” paniniguro naman ni Justin.

“Yup, bye.” Masayang sabi ni Aubrey.

Nakasandal ako sa gilid ng mga lockers, nagtatago… nakikinig sa usapan nila. Natural inaasahan ko nang ganyan sila kasaya. Perfect couple eh. Pero hindi ko rin naman maiwasan na mainggit.

Ang saya nila. Kahit pa sabihin nating kontento na kong maging kaibigan lang ni Justin, may parte parin talaga sakin ang umaasa. “May lakad sila bukas” malungkot na sabi ko sa sarili ko pero napalitan din ng matamlay na ngiti.

“Okay lang yan Ysabella” pagcocomfort ko sa sarili ko habang nag-iinat na naglalakad ng hallway.

“Ano naman kung nakalimutan niyang birthday mo?”

“Asa ka pang alam niya” bulong ko sa sarili ko habang umiiling-iling pa.

Sa mall, paikot-ikot lang ako. Kailangan ko parin icelebrate ang birthday ko kahit na wala siya. Magce-celebrate din naman kami ni kuya mamaya eh. So, sa ngayon forever alone mode muna. Imposible naman kasi na makasama ko si Justin. Obvious naman na nakalimutan niya.

Gangster vs CassanovaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora