Chapter ThirtyOne

5.7K 112 9
                                    

Chapter 31

a/n: Merry Christmas sa inyong lahat!! Isang buwan nanamang hindi nakapag-UD, pagpasensyahan niyo na po… exam last week eh. Lilinawin ko po bago niyo basahin ang UD ko ngayon, paborito ko po ang RomCom, hindi po siya corny para sakin and paborito ko rin po ang Monsters Inc. Horror lang po ang ayaw ko sa lahat ng genre xD [Dedicate ko po kay AlexandraKateAlarcon, konting antay na lang po at meron na po akong soft copy ^^ ]

-FanTOP-

Nakayuko akong naglalakad sa hallway. Buti na lang at wala nang tao dahil pakiramdam ko iiyak ako. “Andaya…” naluluhang sabi ko sa sarili ko, tatakbo na sana ako nang may humawak bigla sa braso ko at dali-dali akong niyakap.

“T-teka--” naguguluhang sabi ko habang nagpupumiglas pero niyakap lang niya ako lalo ng mahigpit, pinunasan ko yung namumuong luha sa mata ko at tinignan yung taong yumakap sa akin.

“J-Justin” gulat na sabi ko, ngumiti lang siya at saka nagsalita

“Trip lang mangyakap” sabi niya sabay ngiti at niyakap niya ako ulit, anong problema nito?

“May problema ka ba?” tanong ko

“Ako nga dapat nagtatanong sayo ng ganyan eh, ikaw meron ba?” sabi niya

“Wala” sagot ko pero napansin kong medyo kumunot yung noo niya

“Bakit? Sabi na ikaw yung may problema eh” natatawang sabi ko

“Dahil ba yan sa naka-usap mo sa phone?” tanong ko at napansin ko naman na nagulat siya

“Tama ako no? Sino yun? Si Ate Mindy? Naku lagot ka na dun” pagbibiro ko pero bigla niya na lang akong hinatak palabas ng building

“Huy san tayo pupunta?” naguguluhang tanong ko habang sumusunod sa kanya, hindi naman masakit yung hawak niya pero ang bilis ng lakad niya

“Sa mall, magpapalamig ng ulo” sabi niya pagkatapos lumingon sa akin, badtrip ba siya?

Now Showing…

Monsters Inc. 3D

The Guilt Trip

Les Miserables

Jack Reacher

“Ano gusto mong panuorin?” sabi niya habang nakangiting nakatingin dun sa list ng palabas

“Ah-eh….” Pag-iisip ko

“Bilis” sabi niya sabay shake ng kamay ko

“Wait lang, akala ko ba badtrip ka?” sabi ko, ang harot naman kasi eh.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now