Chapter TwentySeven

5.6K 98 13
                                    

Chapter 27

a/n: JGH from Cavite, napagod talaga ako sa biyahe. Pasensya na talaga kung walang laman yung UD ko last week. Exam kasi namin nun eh, anyway let’s just read my next UD. [ I dedicate this chapter to mh0022, lumapit pa siya sakin para lang magpadedicate. Uy thank you talaga ha, nakakatuwa ka talaga nung mga panahong lugmok ako sa bigbang xD ]

-FanTOP-

“Ano nanaman ba yang mga natatanggap mo?” nag-aalalang tanong sakin ni Rhea

“Sumosobra na sila ha” banas na sabi pa niya

Patay na bulaklak, death threats, pekeng dugo at pati narin mga sirang manika, madalas na kong makatanggap ng ganito ngayon. Sa tuwing binubuksan ko yung locker ko, hindi pwedeng walang malaglag na thumbtacks oh kung anu-ano mang delikadong bagay. Ito na nga siguro ang matatawag kong extreme bullying.

Binabale wala ko na lang lahat 'to. Wala naman sigurong mangyayari kung papatulan ko pa sila. Minsan nga lang masyado na silang sumosobra at pati thesis at iba pang paper works ko sinisira nila. Isa pa, medyo sanay din naman ako dahil ganito din dati, hindi nga lang kasing lala ng ngayon. Tinatawanan ko na nga lang 'to lahat sa tuwing naaalala ko yung nangyari nung isang araw.

Ilang araw na rin ang nakakalipas, pumapasok na rin si Jerome pero hanggang ngayon hindi ko parin kinakausap si Justin. Pilit niya akong nilalapitan pero ako na ang umiiwas sa kanya. Hindi lang talaga kami napapansin ng mga studyante dahil katulad din naman nung dati yung samahan namin. Yung hindi madalas mag-usap. At ito ako ngayon nag-aayos ng gamit para makauwi na. Tumigil ako sa ginagawa ko dahil lumapit sakin yung isa kong classmate.

 

“Ysabella, pwede ba makahingi ng favor?” pacute na sabi nung kaklase ko

 

“Ako na lang kasi gagawa ng paraan eh” sabi nung kasama niya na parang pinipilit siya sa gustong sabihin sakin

 

“Ano ka ba, mas madali kung lalapit tayo kay Ysabella. Magbestfriend sila eh” bulong nung kasama niya tama lang para marinig ko kaya napabuntong hininga ako, alam ko na kung anong gusto nila.

 

“Magkaklase kayo diba? So bakit kailangan ko pa kayong tulungan?” malamig na sabi ko at tumayo na para lumabas ng room

 

“Bestfriend kayo ni Justin diba? Syempre close kayo” masiglang sagot niya

 

“So? Di porket close kami tutulungan ko na kayo, bahala kayo. Paghirapan niyo” sabi ko at naglakad na papunta sa pinto

 

“Ano bang problema mo?! Nakikiusap naman kami sayo ha!! ” banas na sabi niya, tumigil ako sandali para sagutin siya pero dinugtungan niya yung sinabi niya

 

“Minamaliit mo ba kami masyado dahil alam mong mas lamang ka?!"

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now