Chapter ThirtyFive

5.3K 96 12
                                    

Chapter 35

 

 

a/n: Malapit na magpasukan!! Pahirapan magUD nanaman T.T Thank you nga pala sa ibang readers na nakausap ko, I really appreciate your feedbacks and comments guys. Nabalik na sa PG-13 ang rating sa wakas… sana magkaroon pa ko ng readers :3 [Dedicated kay weenbie, cute daw yung story ko *^*]

-FanTOP-

“Natapos din sa wakas!!” masayang sabi ko habang nag-iinat nang makapasok kami ni Rhea sa cafeteria.

“Andami naman kasing pinapagawa satin ngayon” pagrereklamo ni Rhea

“Tinatamad na tuloy ako pumasok bukas” sabi ko sabay subsob ko ng mukha sa mesa. Ilang araw na kaming maraming ginagawa, lahat may kanya-kanyang trabaho dahil isang buwan na lang at foundation na ng Drexel.

“Napapagod na ko!!”

“Hahaha, pareho lang tayo Rhea” Limang buwan na ang nakakaraan nung nagbreak kami ni Justin pero hanggang ngayon umaasta parin kami na parang hindi magkakilala. Hindi rin nagtagal nun at kumalat na sa Drexel ang usap-usapan na naghiwalay na kami pero hindi na lang ako nagpapa-apekto. Simula nung tinrato ako ni Justin na hindi niya kakilala. Simula nun at hanggang ngayon hindi na ulit ako umiyak.

“Ano nang balita sa inyo ni Jerome? Sinagot mo na ba siya?” pag-iiba ni Rhea sa usapan kaya bigla bigla na lang akong namula.

“M-Manahimik ka nga!! Ano namang kinalaman ni Jerome sa pinag-uusapan natin?” mahinang sabi ko habang tinatakpan ko yung mukha ko. Bakit pina-alala pa ni Rhea? Namumula ata ako sa hiya!!

Limang buwan na nga ang nakakaraan nang maghiwalay kami ni Justin at sa limang buwan na yun ay hindi ako iniwan ni Jerome. Minsan naiinis na lang ako sa kanya kung bakit lapit siya ng lapit sakin. Ayoko naman masabihan ng malandi dahil nagbreak lang kami ni Justin tapos si Jerome na lagi yung kasama ko. Hindi na ulit naman nagpapahiwatig si Jerome na gusto niya ako pero umamin ulit siya sakin nung nakaraang linggo.

“Nahiya ka pa eh namumula ka naman sa kilig diyan” pang-aasar niya

“Ano pa ba sa tingin mo? Edi basted ulit” sabi ko sa kanya kaya naman naging malungkot yung mukha niya.

“Pahard to get ka masyado Ella. Naaawa tuloy ako kay Jerome” sabi niya kaya naman parang naguilty ako. Naguilty ako kasi hindi lang isa o dalawang beses ko siya binigyan ng hindi. Sa isang linggo na yun, Limang beses niya ako paulit-ulit na tinanong pero ang sabi ko lang hindi pa ako handa ulit.

“Ibang klase din si Jerome ‘no? Biruin mo, kinaya ng pride niya ang mabasted ng limang beses” natatawang sabi ni Rhea kaya nanahimik ako. Hindi ko din alam kung pano nga ba natatanggap ni Jerome yun samantalang siya mismo nagsabi sakin dati na ayaw niyang manligaw dahil ayaw niyang masaktan tapos ngayon humingi pa siya sakin ng isang buwang pagkakataon.

Magsasalita sana ako nang biglang may naglapag ng pagkain sa harapan ko. “Kumain ka muna” sabi ni Jerome kaya saglit na napayuko ako

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now