Chapter Two

19.5K 311 22
                                    

Chapter 2

Nandito kami ngayon sa mall, kakatapos lang manood ng sine. Dmiretso na kami sa restaurant para kumain after nun, madami akong o-orderin libre niya eh “Sana araw-araw ulit tayong umaalis" sabi ko at napansin kong ngumiti si Justin na abot hanggang tenga.

“Bakit? Namimiss mo na ko kasama?”

“Hindi, lagi ka kasing nanlilibre eh” pang-aasar ko sa kanya kaya medyo lumungkot yung ekspresyon sa mukha niya.

"Ano pa ba aasahan ko sayo" nagbibirong sabi niya at bumuntong hininga, ang arti talaga nito.

"Hoy ang sama mo ha, eh taon-taon din naman kitang nililibre"

"Nanlilibre ka lang naman pag birthday mo eh. Kuripot"

Oo na kuripot na kung kuripot eh sa wala akong pera eh. Oo mayaman ang pamilya ko, may malaki kaming kumpanyang pinapatakbo. Problema nga lang labas na ko sa pamilyang yun, tinakwil ako ng daddy ko dahil sa isang bagay na ginawa ko. Sila naman yung nagbigay ng matutuluyan ko, dinadalhan naman ako ng kuya ko ng grocery monthly kaya sariling allowance ko na lang ang pinoproblema ko. Hindi naman masyadong problema ang pera dahil pwede namang manghingi sa kapatid.

"Bahala ka sa buhay mo" binulong ko sa sarili ko

"Ha?"

"Uuwi na ko, dun na lang ako kakain samin at yung pinang-sine natin babayaran ko sayo bukas!!" siya nagyaya tapos magrereklamo siya.

“Ysabella?!” nagtatakang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin at umalis na.

“Bahala ka na sa buhay mo!!” sabi ko sa sarili ko

Lumingon ako nung nakalayo na ko dun sa restaurant. Uminit nanaman yung ulo ko kay Justin tapos di pa niya ako sinundan. Kahit kailan di talaga siya marunong manuyo, hinayaan niya lang akong tumakbo palabas. Nakahanap siguro ng babae, malandi kasi. Ito nanaman yung pesteng nararamdaman ko, lagi nalang kapag may ginagawa siyang mali nakakaramdam ako ng sakit. Nung nakalabas na ako ng mall dun ko lang napansin na umuulan na pala bukod pa don may naramdaman akong tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung tubig ulan ba yun o kung umiiyak ako ba talaga ako.

"Hay, ang iyakin ko talaga" sabi ko sa sarili ko, maglalakad pa sana ako paalis nang naramdaman kong may humawak sa braso ko. Nung pagkalingon ko si Justin pala yun.

"...Justin? A-anong ginagawa mo dito?" tanong sa kanya

"Hindi ba at dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?"

"B-bakit ano bang problema mo, uuwi na ko?"

"Uuwi? May date tayo diba?" sabi niya habang nagtataka sa sinabi ko

"Di mo ko madadala sa ganyan mo"

"Tch, kung uuwi ka, sana manlang pinatila mo yung ulan tignan mo basang-basa ka na oh" oh ngayon naman pinapauwi ako nito. Sira talaga kanina lang sabi niya di pa daw ako uuwi ngayon pwede na.

"Kung pagalitan mo ko akala mo naman. Parang siya hindi?" pagkatapos kong sabihin yun bigla na lang siyang tumawa basta-basta.

"Hahaha, syempre di masyado nakita mong kakalabas ko lang eh" patawa niyang sabi

"Ha? Alam mo para kang ewan halata naman oh" tinuro ko yung damit niya para malaman niyang basang basa din siya. "Ano ka waterproof?"

"Hahaha ikaw talaga patawa" sabi niya habang akbay ako at kinukurot-kurot yung ilong ko

"Aray ko masakit ha!"  habang nagtatawanan kami bigla akong nakaramdam ng lamig. Saka lang namin napansin na basang basa na talaga kami, as in parang naligo kami sa pool.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now