Chapter TwentyFour

5.6K 102 5
                                    

Chapter 24

a/n: How’s the twist? Nagtataka ba kayo kung anong meron sa kanila ni Stephanie? Nacu-curious ba kayo kung sino si Aubrey? Kung oo, pwes basahin niyo na ang aking UD. Greetings sa unang araw ng October ^^ [Para kay ate Stronger, nakakamiss din pala ang mga motivational comments niya :P]

-FanTOP-

“Kasalanan mo lahat ‘to Aubrey” mahinang sabi ko, habang umiiyak.

Nakakainis… ilang taon na ang lumipas pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Sa dami ng taong makikita ko… bakit si Stephanie pa? Hindi na lang sana pala ako nagmagandang loob na habulin siya kanina, edi sana… hindi ako nasasaktan ngayon.

Magkakaibigan kami nung high school. Ako, si Justin, si Stephanie… at si Aubrey. Hindi man kami yung masasabing malapit sa isa’t isa, may mga bagay parin talagang nagpapabuo samin. Naging mag-on sina Justin at Aubrey, lahat ng studyante approve sa relasyon nila. Ipagpares ba naman ang gwapo’t maganda.

Who I am now… is far different from who I was before.

Hindi naman kasi ako pala-ayos dati. Nakasuot ako ng salamin noon at manang pa magbihis. Kaya nga nakakapagtaka nung una, kung bakit naging compatible sa isa’t isa ang langit at lupa… kung bakit naging magbestfriend kami ni Justin. Hindi naman kasi acceptable ang isang petty reason na dahil lang sa pagiging magseatmate namin diba.

Laging si Justin yung seatmate ko dahil sa alphabetical order. Pero nung second year… nagkaroon ng transferee samin at ayun si Aubrey. For the first time, hindi kami naging magkatabi ni Justin. Si Aubrey kasi yung pumalit ng pwesto ko. Yung dating Martinez at Mendoza… nasingitan kaya naging Martinez at Magdayo na.

Simula nun, naging close na sila sa isa’t isa. Ako yung naging tulay nila. Lagi kasi akong pinipilit ni Aubrey na paglapitin sila. Ako naman si tanga… na kahit gustong gusto ko si Justin, eh kontento na lang ako sa makita siyang masaya. Na feeling ko, ang swerte ko na dahil nakaclose ko siya. Ako yung naging reason kung bakit naging sila, at ako din yung reason…

Kung bakit naghiwalay sila.

“T-Tanggap ko na eh…” mahinang sabi ko habang patuloy na umiiyak.

“Tanggap ko naman na hindi pwede maging kami”

“Kontento na ko sa kung anong meron kami…”

“Naghangad ba ko ng mas malaki? hindi ka naman naging makasarili Ysabella, diba?” tanong ko sa sarili ko, napatawa na lang ako ng mapakla.  Ilang taon kong tinago ‘tong nararamdaman ko, tapos iiyakan ko lang na parang bago sa buhay ko.

“Pilit ko ngang inaayos ‘tong katangahan ko eh”

“Kasi… alam ko kung ano lang ako sa kanya…”

“Isang hamak na bestfriend lang” sabi ko pa habang nakayakap sa tuhod ko.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now