Chapter TwentyThree

5.8K 96 6
                                    

Chapter 23

a/n: Happy birthday to me!! Happy birthday to me!! Happy birthday… Happy birthday… Ha—ppy birthday to me!! Syempre dahil birthday ko… baka may surprise ako. Sensya na kung fillers yung last 2 chapter ko. [Dedicate ko kay Chimuraa, siya unang nagreet sakin eh. Take note advance pa ng one day, thank you ulit ^^]

-FanTOP-

“Tumigil ka na nga sa kakangiti” naiinis na sabi ko kay Rhea na hanggang tenga ang lapad ng ngiti.

“Nagmumukha kang may sira sa ulo eh” dugtong ko pa sabay inom ng kape. Nasa cafe kami ngayon na pinapasukan ko. Dumiretso kami ni Rhea dito pagkatapos ng klase dahil gusto naming lumabas.

”Ano bang masama sa pag-ngiti?” tanong niya

“Isang lingo nang ganyan yung mukha mo Rhea, naiirita na ko” mataray na sagot ko, simula nang maging sila ni Seven nung nakaraang linggo, sobrang lapad na talaga ng mga ngiti niya.

“Lagi na kasing maganda yung mood ko eh” natutuwang sabi niya

“Eh ikaw? Bakit madalas uminit yang ulo mo?” biglang tanong ni Rhea

“Nag-away nanaman ba kayo ng bestfriend mo? Asan na pala siya?” dugtong niya

“Hindi kami nag-away ni Justin, ilang araw ko na siyang hindi nakikita”

“Baka naman katulad ni Seven, may surprise siya sayo” makahulugang sabi niya.

“Surprise? Hahaha, hindi ko birthday no” natatawang sagot ko

“Hindi yun, malay mo aamin na yun sayo” sabi niya kaya naman napatigil ako sa pagtawa. Aamin?

“Aamin? Na ano? Na may nagawa siyang kasalanan?” natatawang tanong ko sa kanya

“Sus, patay malisya pa. alam ko namang may gusto sayo si Justin eh” sabi niya na may pataas babang kilay effect pa.

“Hahaha, kung alam mo lang Rhea…” sabi ko sabay iling pero napansin ko namang biglang kuminang yung mga mata niya.

“Which means totoo nga?” masayang tanong niya

“Hindi no. Kung alam mo lang, masasabi mong wala” pag-dugtong ko sa naudlot kong sasabihin kanina.

“Bakit naman?” nanghihinayang na tanong niya.

“Madaming rason” matipid na sabi ko, imposible naman kasi talaga na magustuhan ako ni Justin.

“Ay basta, susuportahan ko si Justin. Alam ko naman kasi na may lihim siyang pagtingin sayo eh” pang-aasar niya sakin sabay bigay ng makahulugang tingin.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now