Chapter TwentySix

5.4K 109 10
                                    

Chapter 26

a/n: Pasensya na kung isang linggo akong di nag-UD. Nag-exam kasi kami, kaya medyo… alam niyo na, review review din. Wala akong ma-isip dahil nadrained lahat sa test. Pagtyagaan niyo na muna po ito. [Dedicate ko kay DsilentREADER, lagi ding nagvo-vote yan. Thank you :)]

-FanTOP-

“Uhm… excuse me po”

“Alam niyo po ba kung saan yung address na ‘to?” tanong ko sa ale, binigyan niya ko ng direksyon tapos nagthank you ako.

“Walangyang Seven yun, utusan ba naman ako” nanggigigil na sabi ko sa sarili ko

“Ysabella, kung nganganga ka lang at mageemote diyan pwede bang manghingi ng request?” sabi sakin ni Seven na kala mo nagpapacute.

“Gusto mong magpasapak?” mataray na sabi ko pagkatapos ko siyang ungusan, pasalamat lang siya at nandito si Rhea.

“Kung mang-uutos ka, gawin mo ng matino” dugtong ko

“Tingin mo ba para sakin ‘tong favor?”pabalang na sabi niya, babatukan ko ‘to eh.

“Sugurado naman akong hindi yan para sakin” pabalang din na sagot ko.

“Oy-oy, wag na nga kayong mag-away. Wag mo na kasing asarin si Ella eh” pag-aawat ni Rhea

“Bhe, Siya nauna hindi ako” depensa niya

“Pfft… Bhe? Ang corny niyong dalawa. Wahahaha!!” biglang tawa ko, muntik na kong mabilaukan dun ha.

“Oo na, sige tawa pa” pikon na sabi ni Seven

“Nakakakilabot kasi kayo eh, hahaha” natatawang sabi ko

“Bilis na kasi” sabi niya na parang bata

“Ha? Anong bilis?” naguguluhang tanong ko

“Yung favor na hinihingi ko, gagawin mo?”

“Ano ba kasi yun?” iritadong tanong ko

“Si Jerome kasi, alam ko naman na ilang araw na siyang hindi umuuwi diba?” sabi niya kaya nanahimik ako

Tama nga si Seven, Ang weird lang kasi ilang araw na ngang hindi umuuwi si Jerome sa unit ko. Nandun pa naman yung mga damit niya kaya sigurado akong hindi siya naglayas. “Ano ba kasing meron?” naiinis na tanong ko

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now