Chapter Ten

9.7K 179 9
                                    

Chapter 10

“Ella, bakit ba ayaw mo magkwento”

“Ayoko nga, masama?”

“Eh, sige na”

“Ang kulit mo ha”

Tatlong linggo na ang lumipas after nung ‘date’ namin ni Jerome. At tatlong linggo narin ang lumipas sa katarayan ko kay Rhea. Masaya naman pala siya kasama. Nasanay narin kasi ako na siya madalas ang kasabay kesa kay Justin. Okay naman kami ni Justin, bati naman kami at lumalabas din. Sa totoo nga niyan medyo close narin sila ni Rhea eh. Sanay narin ako na minsan kasami ang kuya niya, nakakatuwa dahil kapag nagsama ang magkapatid ay maingay na. Tahimik naman sa ngayon ang buhay ko dahil wala ng nanggugulo, siguro napagtripan lang ako ng loko kaya dinala ako sa EK nun. Pero itong si Rhea di parin makarecover. Lagi kasi akong tinatanong kung ano ba daw yung nangyari nang sinundo ako ni Seven. Tinatanong niya pa kung may number daw ako ni Seven. Di na kasi siya pinuntahan ng loko, pinapa-asa siguro.

“Seven nanaman!” sabat nung nasa likod namin. Lumingon kami at nakita namin ang kuya niya.

“Wala ka na dun” pagmamataray ni Rhea

 “Sige, mag-away nanaman kayo. Kalimutan mo na nga siya naloloko ka lang nun” asar ko

“Sabi niya lalabas kami eh, di mo man lang tinanong yung nunmber niya” sabi ni Rhea sabay pout pa di bagay.

“Pakelam ko ba sa kanya, di narin naman natin siya makikita” pagmamasungit ko

“Hayaan mo na yun, gusto mo bugbugin ko pagnakita ko?” singit naman ni Riley. Imbis na lambingin nangpipikon pa eh.

“Umalis ka na nga, papasin” bulyaw niya sa kuya niya

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase. 2nd year college in business si Riley habang 1st year college sa fashion designing si Rhea. Ayun ata ang hinahawakang kumpanya ng magulang nila kaya ganun ang kinuha nila. As for me, IT ang kinuha ko. Business dapat ang kukunin ko dahil ayun ang gusto ng parents ko, but like I said labas na ko sa pamilyang yun. Wala na kong dahilan para sundin pa ang mga gusto nila. Pinasok ko ang kursong ‘to dahil gusto ko at sumunod naman si Justin dito. Magkapareho kami ni Justin, ayos naman sa magulang niya kahit na anong kurso gusto niya. Naaalala ko pa nga na kahit ate niya bihira na lang din umuwi sa kanila dahil may hinahabol na pangarap, ayun pinayagan naman.

 “Napapansin ko mas close ka na kay Rhea kesa sakin ha” sabi ng katabi ko

 “Aww, nagtatampo ba?” sabi ko naman sa kanya

 “Ha, hindi no. Ako naman mas love mo” banat naman, ewan ko sa kanya

 “Hahaha, nakakatawa Justin” sabi ko habang nakatingin sa prof namin na naglelecture

 “Gusto mo pumunta samin? Magluluto daw si mama, gusto nandun ka?” yaya niya bigla

 “Talaga? Baka ikaw lang nagyayaya magtampo pa mama mo” pang-aasar ko.

Minsan kasi parang mama’s boy tong si Justin eh. Sa tuwing pupunta ako sa kanila, nagseselos daw mama niya dahil hindi na daw siya ganung kinaka-usap at puro nalang daw ako. Ito namang si Justin masyadong rude sa mama niya, laging tinataboy. “Hindi no. Promise niyaya ka talaga tsaka uuwi mamaya si ate baka gusto mo siya makita”

 “Talaga? Nakauwi na siya? Sige ba punta ko” sabi ko, miss ko na si Ate Mindy eh. Ang tagal ko na siyang di nakikita, Mga 6 months narin siguro.

“Ysabella, buti naman pumunta ka” bati sakin ni tita pagkapasok namin ni Justin sa kanila.

“Niyaya mo raw po ako tita eh” balik ko naman sa kanya

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now