Chapter Seventeen

7K 149 9
                                    

Chapter 17

“Hi Justin, bagong style?”

“Labas naman tayo”

“Hey ako ang magyayaya sa kanya!”

Mas active ngayon ang mga girls nang makita nila si Justin na naglalakad sa hallway. The reason is because of his new hair. Ito ang naisip niyang gamiting alas para maging usap-usapan ng Drexel. He looked even hotter with his hair dyed in red. Maganda ang pagkakablend nito sa kutis niya. Dumiretso siya sa locker para kunin yung gamit niya nang may kumuha ng atensyon niya. A group of girls were gossiping about something.

“Seryoso?!” hindi makapaniwalang tanong nung girl

“It’s true, narinig ko lang din yun kanina nung papasok na ko ng school” sagot ng kasama ng girl

“I can’t believe it”

“Nasa loob talaga ang kulo--”

“Malandi naman kasi talaga siya eh” dugtong ng isa sa naputol na nasabi ng kasama.

Nagtataka pa siya nung una, kung sino yung tinutukoy ng magkakaibigan. I mean who wouldn’t? Bihira lang magtrending ang isang gossip sa Drexel at madalas naman ay siya lang ang laman o kaya naman ay ang mga katulad din ni Ysabella. Pero sa huling sinabi ng magkakaibigan ay nalaman niyang hindi siya ang pinag-uusapan.

“Speaking of the devil” The 4 girls said in unison sabay lingon sa kanan at dahil sa pagtataka ay tinignan din niya. Nagulat siya nang makita si Ysabella. Saglit na nagtama ang mga mata nila pero agad din bumawi si Ysabella ng tingin at umalis kasunod ng dean.

“Sabi sayo totoo eh” narinig pa niyang sabi ng magkakaibigan


Magmula kaninang nasa lobby siya hanggang sa makapasok na siya ng classroom ay wala na siyang ibang narinig kundi ang usap-usapan kay Ysabella. “It’s not possible” Hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili.

I guess ito ang totoong definition ng  disappointment. Hindi siya makapaniwala na si Ysabella na naman ang mananalo sa bet nila. Alam niya sa sarili niyang may pumapansin naman sa kanya, but most of the students are all focused on Ysabella.

“Okay back to your seats” sabi ng kakapasok lang na professor.  Nanahimik na ang lahat pero hindi ito dahil sa professor kundi dahil sa pagpasok ni Ysabella. Naglakad lang siya na walang pakelam sa paligid. Sabay tingin ulit kay Justin bago siya umupo.

“So totoo nga yun?” pagkumpirma ng isa sa mga kaklase nila

“Ang malas naman niya”

“Pahotel-hotel pa siya ha”

“Ayun kaya talaga yung pinunta niya?”

“Middle-aged man daw ang kasama niya, eww!!” sabi ng isa

“Easy to get naman pala siya eh” sabi pa ng isang lalaki

Hindi na makapaniwala si Justin sa mga naririnig niya. He can’t believe na kaya ni Ysabella na tumagal sa ganiyang usapan. Yes, alam nilang walang limit ang teknik na magagawa nila. But to think na yung ganoong klaseng gossip ang magiging laman. Hindi tanga si Justin para maniwalang sinadya nga ito ni Ysabella para lang manalo sa isang stupid bet nila.

Walag tigil ang pagbubulungan ng mga kaklase nila habang nagtuturo ang professor. Hindi naman alam ni Justin kung ano ang nararamdaman ni Ysabella ngayon. He can’t see her expression dahil likod lang nito ang nasisilayan niya. Kung bakit pa kasi pinalipat siya ng pwesto, at nasaan ba ang katabi ni Ysabella? Kung close niya ang Jerome na yun, pwede bang ayun muna ang magcomfort sa bestfriend niya. Ayaw nga niyang lumalapit yun sa bestfriend niya, pero sa ganitong sitwasyon alam niyang kailangan ni Ysabella ng makakausap.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now