Chapter ThirtySeven

4.4K 89 8
                                    

Chapter 37

a/n: Huhuhu, sorry pos a super tagal na UD (kung may nag-aantay man po >.< ) Nawala yung draft ko kaya back to wala ako sa chapter na 'to TT_TT Sabihin niyo lang po kung magulo, baka mamaya mailto kayo eh ? [Dedicated kay seigaku... nagPretty Please siya hnnnggg >///< ] 

-FanTOP-

"Ito ba yung surprise Rhea?" mahinang sabi ko sa sarili ko habang nakatingin lang kay Justin na may kahalikan. Ano ba to? Gusto pa ba niyang ipaharap na wala na akong halaga sa kanya? Hindi niya naman kailangan pang gawin ito eh.

Hindi ko makilala yung babae dahil nakatalikod siya kaya si Justin lang yung nakikita ko. Hindi siya nakapikit pero nakayuko siya sa babae kaya hindi niya siguro ako napapansin. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko dati. Akala ko pa naman wala na, akala ko wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa nakikita ko.

Gustong gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero ayaw sumunod ng mga paa ko. Tahimik lang ako habang tinitignan sila, bakit kaya wala akong magawa? Ayokong makita si Justin na may hinahalikan pero bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko paalis dito. Bakit ayaw pumikit ng mga mata ko. Bakit hindi ko maalis yung mata ko sa kanila kahit na nasasaktan na ako. Di rin nagtagal umangat yung ulo ni Justin kaya napansin niya ako at nagtama yung mga mata namin.

"Justin?" pagtataka nung babae dahil huminto si Justin sa paghalik sa kanya. Maya maya lang ay lumingon din siya sa direksyon ko kung san nakatingin si Justin at mas nasaktan ako nang makita kong si Stephanie pala yun.

"Ikaw pala Ysabella, kamusta ka na?" masayang bati ni Stephanie sakin na parang wala lang yung nakita kong ginawa nila. Hindi ko na pinansin si Stephanie at tahimik lang na tinignan si Justin pero umiwas lang siya ng tingin. Bakit ba kayo magkasama? Bakit mo siya hinalikan kanina?!

"Nakita mo ba yung kanina? Pasensya ka na Ysabella, hindi na kasi nakapag-antay si Justin eh" nananadyang tono na paliwanag niya, hindi niya naman kailangan pang sabihin eh. Yumuko na lang ako dahil ayokong makita nila yung mukha ko. Bakit ba ayaw mong magsalita at magpaliwanag Justin?

Walang nagsasalita sa amin at tahimik lang si Justin habang ako naman nag-aantay ng paliwanag niya. Bakit ba kasi nag-aantay pa ko ng paliwanag? Mas nakaramdam ako ng lungkot nang mapansin kong hinawakan ni Justin yung kamay ni Stephanie. Napansin kong magsasalita na si Justin pero inunahan ko na siyang magsalita.

"W-wag niyo na lang ako pansinin, kakarating ko lang naman kanina eh" pagpapaliwanag ko, ayun naman pala eh... ang tanga ko naman at hindi ko nagets agad.

"Okay yan, matagal ko na ngang sinasabi dati na bagay kayo eh" nakangiting sabi ko, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hindi ko naman dapat sinasabi 'to eh. Kaya naman pala ayaw nang magpaliwanag pa ni Justin... iniiwasan niya sigurong ipahiya ako.

"Kelan pa n-naging kayo? Bakit hindi kayo nagkukwento? hahaha" Siguro ayaw niya lang ako mas lalong masaktan pa kaya ayaw niya sabihin na sila na ni Stephanie. Naghalikan na nga sila eh, magtataka pa ba ako kung anong relasyon nila? Isa pa, ilang buwan na rin nakalipas nung naghiwalay kami... natural nakamove on na siya

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon