Chapter Seven

9.5K 173 7
                                    

Chapter 7

Tapos na yung klase pero hindi ko parin alam kung anong gagawin ko. Uuwi na nga lang ba ako? O aantayin kong magkahimala at magpakita nga yung lalaki kahapon? Nahihirapan ako mag-isip dahil haggang ngayon gutom parin ako. Wala pa akong kinakain magmula kagabi. Nakakapanghinayang tuloy yung binili kong burger sa cafeteria… ni hindi ko man lang nagalaw.

“Anlakas ng karma” naiinis na sabi ko sa sarili ko, anlakas ko kasi mangtrip eh. Ayan tuloy binawian ako.

Maya-maya nagulat ako nung hanggang ngayon ay sinusundan parin ako ni Rhea. Hanggang kailan niya ba ko balak sundan? “San ka ba pupunta?” tanong niya sakin pero hndi ko siya pinansin.

"Sa may gate, sama ka?" yaya ko sa kanya para incase na nandun nga yung weirdong guy kahapon sasabihin ko may kasama ako para makaiwas ako dun sa lalaking yun. 

Nawala lahat ng inaalala ko nung napansin kong walang nag-aabang sa may gate. Barbero pala yung lalaking yun eh, ang lakas pa ng loob manakot. Naglakad na ko palabas ng biglang hinatak ni Rhea yung kamay ko. "Uy Ella tignan mo yun oh" interesadong sabi niya sakin sabay turo sa labas. Ano kayang pinagkakaguluhan nila?

"Puro babae yung nandun” narinig kong sabi ni Rhea.

"Hindi kaya may gwapo?" dugtong niya at kumikinang pa yung mga mata. Mahilig din pala si Rhea sa gwapo?

"May pinapamigay lang siguro" bored na sabi ko

"Malay mo bagong sample ng beauty products" sabi naman ni Rhea tapos hinatak niya ko palapit dun. 

Biglang naggive way yung mga babae nung nakita akong naglakad papunta dun sa kinukumpulan nila. Hahaha, buti naman lumayo sila. Tingin ba nila makikisiksik ako? Nung nandun na ko sa gitna ng pinagkakaguluhan nila may nakita akong lalaki but unfortunately hindi siya yung hinahanap ko. Siya nga ba yung pinagkakaguluhan nila? Eh mukhang busy ata ‘to eh, may inaantay ata.

"Sabi sayo may gwapo eh" pang-aasar ni Rhea habang tinutusok niya yung tagiliran ko habang nakatingin siya dun sa lalaki. Akala ko pa naman kanina siya na yun, hindi pala. Pakiramdam ko tuloy medyo parang nadisappoint ako… bakit kaya? Naglakad na ako paalis ng may biglang humawak sa braso ko at pinigilan ako.

“Ikaw ba si Ysabella Mendoza?" paglingon ko yung lalaking may iniintay yung pumigil sakin. Wag mong sabihing ako yung inaantay niya? Dahil dun napansin kong biglang umingay yung paligid namin.

"Ano ba yan si Ysabella nanaman?!"

"Nakakainis, bakit si Ysabella pa?"

"May bago pa ba?” Nagrereklamong sabi nila at nagsi-alisan na. Andami niyong reklamo, bakit ba kasi hindi niyo na lang tanggapin? Tumingin na ko dun sa lalaki.

“Ako nga bakit?” bored na sabi ko

"Good thing you're pretty" sabi niya naman niya at dinedma yung tanong ko kanina, natural ako pa?!

"What’s your business with me?" mataray na dugtong ko pagkatapos kong bawiin yung braso ko.

"Sumama ka sakin may nagpapasundo sayo" sagot niya at hinaktak niya ako papunta sa sinasandalan niyang motorsiklo pero agad agad akong bumitaw. "Sorry, pero hindi ako sumasama sa mga taong hindi ko kilala" mataray na sabi ko

Maya-maya nagulat na lang ako nang bigla niyang nilapit yung mukha niya. Shet ilang inch na ang yung layo niya sakin. Automatic na lang na napapikit ako, ewan ko? Adrenaline rush lang eh. "Hahahaha, wag ka mag-alala" natatawang sabi niya kaya dumilat na ako. Nilapit niya pa lalo yung mukha niya pero hindi na ko nabigla nung dumiretso yun sa tenga ko.

Gangster vs CassanovaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang