Chapter Four

11.8K 213 6
                                    

Chapter 4

Hay nakaka-inis sa tuwing na-aalala ko yung kanina di ko mapigilang mabanas. Sino ba siya sa tingin niya? Sobrang yabang ng lalaking yun. Mas mayabang pa ata kay Justin. Bumalik ako sa school nakakatamad kasi mag-cutting lalo na at bad-trip ngayon. Nagugutom pa ko. Hay walang magawa boring layo pa ng cafeteria saan kaya ako pupunta ngayon bahala na nga lalakad na lang ako kung san man ako dalhin ng paa ko.

lakad.

lakad..

lakad...

lakad....

"Ang lakas din ng loob mo na pumunta dito no?" Ako ba yung kinaka-usap nila lumingon ako para i-check kung ako ba yung kinaka-usap pero buti na lang hindi. Nakita ko kasi ng di kalayuan yung mga babae na kinaka-usap yung isa.

"Syempre hindi maganda ang mang-indian ng kapwa, so anong pag-uusapan natin?" sabi nung babaeng kausap nila

"Wag ka na ngang magpaka-inosente alam naman namin na nagpapakitang-tao ka lang eh" sabi nung group of girls.

Kawawa naman yung girl pingtutulungan. Nung tinitigan ko yung babae nagulat ako sa napansin ko. Teka hindi ba't ayun si... Rhea Dela Cruz bakit kaya siya pinagtutulungan?

"What are you guys talking about? Alam naman siguro natin na mali ang pagpapanggap diba?" sabi ni Rhea

"At sayo pa namin narinig yang pangaral na yan. Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw sa kanya nung mukhang leader sa group. Nakakaawa siya tignan, halatang napagtutulungan na siya nung mga babae. Kung matapang lang ako baka kanina ko pa siya tinulungan.

  

Natigilan ako bigla ng may sumagi sa isip ko. Ako? Tutulungan si Rhea Dela Cruz? Hahaha, nababaliw na ba ako? Kung tutuusin mas okay pa nga sakin yung nangyayari ngayon. Ayos ‘to! Si Rhea Dela Cruz lang naman ang isa sa mga ayaw kong pakisamahan sa Drexel. Isa rin kasi siya sa mga sikat na maganda sa school, pero hindi naman ako ganun kainsicure since ako ang top 1 at siya naman ang pangalawa. Pero kahit ganun mas mataas ang appeal niya  dahil mas gusto ng mga guys dito ang tulad niya "matalinong bobo". Clumsy siya at sobrang bait, inosente mag-isip kaya madalas masabihan na pretender. Syempre sikat din ako sa school, ako kaya yung kilala nila bilang all most perfect girl. Maganda, mabait, at matalino silent type nga lang ako kaya naman kilala bilang suplada, atleast hindi pretender. Minalas lang siya dahil may pagkamapride ako kaya ayokong nagmumukhang kawawa.

Grabe sinuswerte ako akala ko malas ang araw nato pero hindi pala. Maganda ang kalalabasan kapag kinuhanan ko ‘to ng picture. Sigurado akong kokonti ang fans ni Rhea. I should take a photo of this habang may pagkakataon pa, ano kayang sasabihin ng tao kung ang inosenteng si Rhea ay isang warfreak pala hehehe. Nilabas ko yung phone ko para picturan ang nagaganap na skandalo kaso di masyadong kita yung mukha niya eh. Okay lang yan lalapit na lang ako ng konti.

Lapit.

Lapit..

Lapit...

Hindi pa ko satisfied dun sa distance dahil hindi masyadong halata yung mukha ni Rhea sa picture kaya lumapit pa ako pero tulad ng nangyari kaninang umaga, nadapa nanaman ako. “AY KABAYO!!” nabiglang sigaw ko...

Okay binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko, malas talaga ang araw na ‘to! Mabuti na lang at nasa parking lot ang venue ng awayan kundi pahiya ako ng wagas dito. Wala kasing masyadong tumatambay sa parking lot lalo na sa mga oras na ganito maliban na nga lang sa nag-aaway ngayon. Ang awkward pa ng pwesto ko dahil nakadapa ako habang hawak ko ang cellphone ko na nakatutok sa kanila kaya halatang gulat sila. Waahh!! wala na ang fame ko. Sira na dahil dito, malalaman na nila na masama ako at nagbabalak ng mga ganito. This will really ruin my reputation.

Gangster vs CassanovaWhere stories live. Discover now