CHAPTER TWO

51 7 18
                                    

Salamat

CHELZEAH'S POV

Nandito na ako ngayon nakaupo sa upuan ko at nakatunganga lang dahil wala naman akong makakausap .Pano yung katabi ko napaka tahimik .Wala pa kasi yung mapeh teacher namin. Napag desisyunan kong kunin ang earphones at cellphone sa bag ko para makinig ng kanta. Yung favorite song ko na "Kalawakan" By: Music Hero.

Nagsimula naman itong tumugtog kaya naman sinabayan ko na din ito. Ito lang kasi ang talent ko ang kumanta.

Habang kinakanta ko yun ay bigla namang napatingin sakin yung katabi ko. Sabi sa inyo eh ang ganda talaga ng boses ko heheheh. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya .At nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita."Ang ingay mo pwedeng pakihinaan yung boses mo?" Iritado na sabi nya. Tsss panira tong buwiset na 'to. Napaka suplado at napaka arte, gwapo nga suplado naman.

Inis ko syang inirapan at nagsorry nalang ako .Napaka arte psh! Bugbugin ko sya dyan eh. Awatin nyo ko tatamaan sakin 'to. Hindi ko na din pa naipagpatuloy ang pagkanta ko dahil dumating na ang teacher namin sa mapeh si Ms.Reyes. Ibinalik ko naman ang cellphone at ang earphones sa bag ko. Nilapag naman ni Ms.Reyes ang gamit nya sa table at umupo sya sa upuan nya habang naka cross arm.

"Okay class I have announcement . On next Monday ipapakita nyo sa akin ang talent nyo. May grade 'to at need na magparticipate ang lahat sa inyo. Bawal ang KJ dito dahil sayang ang grades na makukuha nyo. Mag ready na kayo at magsimulang mag practice. Mas maganda ang performance mas mataas ang grades na makukuha nyo sa subject ko. Curious din kasi ako sa mga talent na mayroon kayo." Asik ni Ms. Reyes habang seryosong nagpapaliwanag sa amin.

Ayun lang pala eh game ako dyan! Gusto ko din iparinig sa kanila ang napaka ganda kong boses. "Basta class kailangan nyong ipakita sa akin sa Monday ang talent nyo. Mamayang uwian ay magsimula na kayong mag ensayo. Yun lang at let's start our lesson." Saad ni Ms.Reyes.

Kabisado ko naman na yung favorite song ko eh. Tsaka hanggang sa pagligo ko ay yun yung kinakanta ko. Kaya hindi ko na kailangang mag-practice pa. Habang nagtuturo si Ms Reyes ay bigla naman s'yang napatingin sa katabi ko."Oh my new student pala kayo hindi ko sya napansin. By the way Mr.Handsome what is your name?" Namamangha na tanong ni Ma'am sa kanya kahit pala teacher naa-attract sa kanya .

Tumayo naman ang katabi ko at seryosong tumingin kay Ms Reyes."I'm Aster Mendez." Tipid nitong sagot tsaka umupo.

"Wow! your name is so handsome like you. Okay Mr. Mendez I have a question for you. About this lesson." Sabi ni Ma'am kaya naman tumayo ulit yung katabi ko.Yung mga mata naman ng mga kaklase ko ay puro na sa amin .

Pag ako natunaw nyan lagot kayo sakin ."Okay Mr.Mendez what is the Characteristics of Romantic Period? Can you give me atleast 3 examples." Tanong ni Ma'am sa kanya . Base kasi sa mga lessons na tinuturo ni Ms.Reyes ngayon ay puro sa period about sa music.

"Characteristics of the romantic period. Number 1 Individuality of musical style with emphasis on self-expression. 2 Development of new harmonies, including chromatic, chromatic harmonies - harmonies that use all the keys of the piano keyboard - the black keys and the white keys - together And last is Development of "program music" - music that depicts a story or scene." Paliwanag nya at pumalakpak naman si Ms Reyes sakanya .

"Wow! You impressed me very good Mr. Mendez you may now seat." Sabi ni Ma'am sa kanya. Sinunod nya naman agad si Ma'am. At umupo sa tabi ko . Nagpatuloy padin sya sa pag discusss ng lesson namin ngayon. Syempre habang nagtuturo si ma'am nagsusulat ako .

Mabilis naman natapos ang aralin namin ngayon at lumabas na ito dahil tapos na ang pagtuturo ni Ms.Reyes.

Sumunod naman ang History subject namin kaya kinuha ko ang book ko sa bag at notebook.Inilapag na ni Sir ang laptop nya tsaka tumingin ng diretso sa amin ."Okay class good morning I'm Mr.Garcia." Pagpapakilala nya sa amin .

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now