PROLOGUE

135 17 29
                                    

Prologue

Kasalukuyan akong nasa taas ng bubong namin at tumitingin sa mga bituin, na nagniningning sa kalangitan kay ganda nilang pagmasdan. Nung bata pa ako ay mahilig na akong tumingin sa mga bituin. Minsan pa nga ay binibilang ko ito kahit madami. Madalas pa akong pagalitan ni Mommy dahil gabing gabi na daw nasa bubong padin ako. Sabi ko naman ay nag-e-enjoy pa akong pagmasdan ang mga bituin sa langit.

Dati ay kapag pinapagalitan ako ng parents ko at umiiyak ako ay pumupunta ako sa bubong ng bahay namin saka tumitingin sa mga bituin
pagmasdan ko lang sila ay nawawala agad ang lungkot ko. Parang sila yung stress reliever ko. Kapag naman ay napapasabak ako sa gulo ay parang sila din ang nagbibigay ng lakas sakin. At pagtapos kong makipag laban ay pagmasdan ko lang sila ay tanggal na ang pagod ko.

Habang tumitingin ako sa kalangitan ay may bigla nalang tumawag sa akin. "Uy! Chelzeah tara tulungan mo kaming kalabanin yung gang na kumakalaban samin. Akala siguro nila kaya nila kami syempre hindi hahaha kasama ka namin kaya hindi nila kami kaya. Aba mas malakas ka pa nga samin makipaglaban eh ." Sabi ng kaibigan kong si George habang nakatingala sakin .

"Kainis naman oh, alam mo namang busy ako sa kakatingin ng mga bituin eh, pero sige na nga hintayin mo 'ko" Sabi ko at bumaba na sa bubong. Agad naman akong tumalon para mabilis makababa.

"Ayos! Tara na naghihintay na sila do'n sa may bakanteng lote." Sabi ni George habang nagsisimula na kaming maglakad.

Si George ay matagal ko nang kasama yan sa pakikipaglaban sa mga gang na kumakalaban samin, may sarili kasi kaming fraternity. Malaki ang katawan nya at ng mga kasama namin. Ako lang yung babae sa kanila pero kahit puro lalaki sila ay hindi nila ako binabastos. Dahil kahit malaki ang katawan nila at lalaki sila ay hindi ko sila uurungan.

Kapag nasa school naman kami ay takot sa amin ang mga estudyante do'n. Madalas ay mga feeling hari tong mga abnormal na kasama ko. Paano ba naman kasi ang hilig nila mang-uto ng mga estudyante .

Pero ako, ako mismo ang kumikilos sa sarili kong mga paa. Hindi naman ako baldado para mang utos pa sa kanila. Saka sadyang maarte lang talaga yung mga kaibigan ko. Ewan ko ba pagdating sa simpleng bagay nagkakaroon sila ng sakit, sakit na katamaran.

Pero pagdating sa bakbakan ay buhay na buhay ang mga loko. Parang uminom ng isang boteng gamot na pampalakas. Naka hoodie lang ako at naka-jogging pants buti nalang hindi ako naka-short ngayon.

Kasi minsan wrong timing sila. Minsan maikling short lang suot ko kapag nakikipaglaban kaya yan tuloy hindi maiwasang mabastos ako ng mga nakakalaban namin na puro mga lalaki.

Mabilis kaming nakarating ngayon sa may bakanteng lote na sinasabi ni George. Nandito na yung iba naming kasama sa pakikipaglaban. Sina Vincent, David, John, Alexis, Mark, at si Francis. Mga naka-itim silang T-shirt at black na pants. Saka parehas silang mga naka rubber shoes na itim. Infairness ang gwapo nila sa suot nila. Totoong gwapo silang pito kasama na si George pero may mga girlfriend na sila.

Ako lang yung hindi in a relationship sa kanila. Nandito na kami sa loob ng bakanteng lote kaharap ang mga makakalaban namin.

"Ang lakas naman talaga ng loob nyo na kalabanin ang grupo namin noh?" Sabi ni George habang matalim ang tingin sa makakalaban namin.

"Ah, eh ano naman sayo? Ang sabihin nyo duwag lang kayo!" Sigaw ng sampung lalaki na kaharap namin ."Pa'no ba yan? Pito lang kayo, sampu kami?" Nanghahamon na sabi ng sampung lalaki sa amin.

"Kahit ilan pa kayo hindi namin kayo uurungan" Sabi ko at agad naman silang napikon. Lakas mang-asar mga pikon naman.

"Ah ganon huh sige tignan natin kung sinong uuwing duguan sa 'tin---" Hindi na natapos ng isang lalaki ang sasabihin nya ng bigla ko syang sipain ng malakas sa tiyan para matumba sya. Nakipaglaban naman na yung iba kong mga kasama.

Agad namang may lumapit sa aking dalawang lalaki, aambahan sana nila ako ng suntok nang maunahan ko silang ipatama ang dalawa kong kamao sa mukha nila, saka ko sila parehas na pinagsasapak.

Yung isa ay pinagsisipa ko sa tiyan para mapa ubo ito at may lumabas na dugo sa bibig nya. Putok na din ang labi nya at sarado na ang isang mata  at yung isa naman nyang mata ay pilit nyang idinidilat. habang hawak nya ang tiyan nya. Yung isa naman ngayon ang hinarap ko at bigla nalang itong nagsalita."Tangina mong babae ka! Bakit parang hindi ka babae?"Tanong nya pero may sasabihin sana sya ulit ng bigla ko syang tuhudin sa sikmura at para mapasigaw sya sa sakit "ARGGG!!!" Sigaw nya tinawanan ko nalang sya at iniwan.

Tinignan ko naman yung mga kasama ko at parang hindi naman sila pinagpawisan sa ginawa nila. "Ano? Wala pala kayo eh. Sa susunod pumili kayo ng kakalabanin nyo 'wag kami ha? Naintindihan nyo? Tara na baka naiinip na yung girlfriend ko magtatampo na naman yun sakin." Sabi ni David.

"Oo nga tara na mag vivideocall pa kami ng girlfriend namin. Iwanan na natin yang mga yan. And the winner is tentenententen!!! CHELZEAH'S group yahooo!!" Sabi ni Francis kaya agad naman kami tawa ng tawa ."Tara na naiinip na yung girlfriends ko este girlfriend. May date pa naman kami ng my loves ko." Kinikilig na sabi ni Francis .Tsss parang bakla amp.

"Bilisan na natin ang hirap pa naman suyuin ng girlfriend ko dinaig pa may mens araw araw." Sabi ni Vincent. Pero bago paman kami maka alis ay nagsalita yung isang lalaki na kinalaban namin.

"HINDI PA TAYO TAPOS TANDAAN NYO YAN!" Sabi ng isa. Hanapin nila pake namin sa maganda kong mukha psh!

Umiling nalang sila at ngumisi naglakad na kami paalis ng bakanteng lote na medyo malayo sa street namin. Edi sila na may susuyuin na jowa basta ako bituin lang masaya na ako. Nandito na kami malapit sa bahay namin kasi hinatid pa nila ako syempre babae pa din ako kaya protective sila sakin. "Oh sige na bye na, kita nalang tayo sa school bukas libre daw ni David yung lunch natin bwahahaha." Sabi ni George .

Aambahan sana ng batok ni David si George ng bigla nalang syang mag peace sign. "Ito naman babatukan agad ako. Bobo na nga ako lalo pa akong magiging bobo." Sabi ni George habang hawak ang ulo nya "Joke lang yun si Chelzeah talaga yung manlilibre satin." Sabi nya kaya agad naman pumalakpak sa tuwa ang mga loko .

Agad ko naman piningot ang isang tenga ni George kaya maluha luha ito sa sakit. Buwisit kasi ipapahamak pa ako. Anong akala nya sakin nagtatae ng pera? Matatakaw pa naman 'tong mga 'to.

"Sige na bye na baka magalit yung mga toyoin naming mga girlfriend. Palibhasa ikaw wala ka namang lovelife. Puro mga bituin lang yang inaatupag mo. Kaya since birth ka pading single. Bye bangungutin ka sana bwahahaha." Sabi ni George at nagtawanan nalang ang mga loko tsaka naglakad na sila papaalis.

Grrr! Kakainis makapasok na nga sa bahay at makapag pahinga napagod ako sa pakikipaglaban. Pero sanay naman na ako at sanay na din akong pumasok ng masakit ang katawan .

Nakita ko na nakapatay na ang ilaw sa bahay namin akala siguro nila mommy nakatulog na ang napakabait nilang anak. Dali-dali akong naglakad ng dahan dahan paakyat sa kwarto ko. At buti nalang hindi nila ako nahuli. Nakahinga naman ako ng maluwag at nakarating na sa kwarto ko nang hindi nila ako nakikita. Mabilis akong humiga sa napaka lambot kong kama. Makatulog na nga lang.

           

©All Rights Reserved .@hannagales 2020

                           ******

A/N:Thanks for reading don't forget to vote, share and comment lovelots ❤️

To be God the Glory

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now