CHAPTER FORTY THREE

10 2 15
                                    

CHELZEAH'S POV

SINUNOD ko ang sinabi sa'kin ng lalaking kausap ko kanina. Hindi ko na naisip na magpalit pa ng damit. Gusto ko mang tumawag ng pulis ngunit hindi pwede baka may mangyaring masama sa kanya. Gano'n din sa mga kaibigan ko, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nangyayari. Nakatanggap ako ng text mula sa lalaking 'yon. Sumakay ako ng taxi patungo doon sa location na sinasabi niya.

Lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa location no'n. Kailangan kong maging matatag at maghanda sa mga mangyayari, wala akong halos na idea kung sino ba 'yun. Hindi ako familiar sa boses niya. Basta ang kailangan kong gawin ay maligtas si Aster.

"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ng taxi driver. Inabot ko naman sa kanya ang bayad ko saka lumabas mula doon. Nanginginig akong pumasok sa loob no'n. Napakadilim ng building na 'yon, naamoy ko rin ang masangsang na amoy at iba't-ibang klase ng amoy, tulad ng usok ng sigarilyo.

Nagulat ako nang may dalawang lalaki ang lumabas at nakangisi silang nakatingin sa'kin pareho. Bigla nilang hinawakan ang magkabilang pulsuhan ko ngunit nilabanan ko sila. Isa-isa ko silang pinagsusuntok sa braso saka tiyan at tinadyakan ko sila sa tuhod gamit ang magkabila kong paa. Napahiga sila sa sahig at matalim akong tinignan.

"Tangina mo! Ang lakas mong babae ka!" Galit na sabi sa'kin ng isang lalaki. Ngumisi ako sa kanila at mabilis na naglakad para makita si Aster. Habang naglalakad ako ay may isang lalaking humarang sakin at may hawak siyang baril.

"Saan ka pupunta?" Kinuha niya ang kamay ko at itinutok sa ulo ko ang baril na hawak niya. Napalunok ako sa kanyang ginawa. "Huwag mo nang tangkain pa ang lumaban kundi pasasabugin ko ang bungo mo." Pagbabanta niya kaya sumunod nalang ako.

"Huwag mo nga akong hawakan kaya kong maglakad!" Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Paano ba naman ang dumi-dumi ng kamay niya, baka saan niya pa inihawak 'yon.

"Ang dami mong arte." Inis na sabi nito at hinayaan akong maglakad mag-isa. Naglakad kami patungo sa higit pang limang lalaki. Nagsimulang manubig ang mga mata ko nang makita ko si Aster. Nakapiring ang mga mata niya ngunit napapansin ko ang putok na labi pati ang mga pasa sa kanyang mukha. Nakaupo siya sa isang upuang bakal habang nakatali ang dalawang paa niya at sa tingin ko nakatali rin ang mga kamay niya sa likod na sinasandalan niyang upuan.

Nakilala ko na sila, sila yung lalaking nakaaway ko nang gabing 'yon, at yung isa sa kanila ay muntik pa akong masaksak pero biglang dumating si Aster kaya nakaligtas ako.

"Aster!" Pagtawag ko sa kanya at lumapit ako sa kanya upang yakapin siya, pero bago ko pa yun magawa ay hinila agad ako ng dalawang lalaki upang mapigilan ako.

"Chelzeah! Please I begging all of you, don't hurt her please...kahit ako nalang ang saktan niyo." Nagmamakaawang sabi ni Aster sa kanila. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi.

"Nako boss, ang ganda pala nito eh hahaha, pwede bang huwag muna natin siyang pahirapan? Gusto ko muna 'tong matikman at mukhang masarap." Sabi ng isang lalaki na may hawak sa'kin. Tumawa silang lahat habang ako ay nandidiri sa pinagsasabi niya.

"Tangina mo! Ikaw ba ang boss dito?" Galit na sabi ng boss niya na mukhang alien. Umiling naman siya.

"Mga kupal sino ba kayo ha?! Ano bang atraso namin sa inyo?!" Tanong ko sa kanila habang tinitingnan sila nang masama.

"Nakakalimutan mo na ba? Kami lang naman ang binangga niyo noon kasama ang mga kaibigan mo. Gusto ko lang naman kayong gantihan sa ginawa niyo sa 'min." Sagot ng pangatlong lalaki.

"Ano? Wala akong naalalang nakalaban namin na mga mukhang unggoy." Pang-iinis kong sabi sa kanila kaya mas lalo silang nagtawanan.

"Hahahaha gago! Itali niyo nga yang babae na yan takpan niyo yung bibig masyadong bastos. Tanggalan niyo na rin ng damit, itira niyo yung bra at panty niya para naman may maganda tayong view hahaha!" Napalunok ako sa sinabi ng boss niya.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ