CHAPTER THIRTY NINE

17 2 20
                                    

Thanks for reading :))

ASTER'S POV

"Love, look at the camera, we're going to take a picture." Sambit ko. Kinuha niya ang isang bouquet ng bulaklak na may kasamang mga chocolates, tulad ng Toblerone, Hershey's kisses at iba pa. Medyo nahihirapan nga siyang hawakan iyon, kaya ay tinulungan ko siya. Tumingin siya sa camera ng cellphone ko at matamis na ngumiti. "Okay, one, two, three." Hudyat no'n ang pagkuha ko ng litrato naming dalawa.

Nakailang pictures din kaming dalawa, ang iba ay siya lang ang mag-isa tapos yung iba ay kasama ang parents niya. Napapangiti pa ako tuwing titignan ko ang litrato namin, sobrang genuine ng ngiti ni Chelzeah doon, I can't take my eyes off her, lalo na sobrang ganda ng ngiti niya. Para akong nakalutang sa ulap.

Nagpost ako sa isang social media account ko ng picture namin na may caption na "Ikaw na ang tahanan at mundo"

I imagined my future with her, I imagine the glance of her eyes, indicating that she was happily looking at me. Habang kumakain nga siya ay hindi ako makakain ng maayos, dahil panay ang pagtitig ko sa kanya. Naiirita pa nga siya at sinusungitan ako, hindi niya din naman ako masisisi kung bakit ako nakatitig sa kanya ngayon.

"Alam mo, kung ice cream lang ako, kanina pa ako natunaw sa titig mo." Sarkastikong saad niya. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo? At hindi mo maalis sa'kin ang paningin mo?" Dagdag niya pa at pinaikot ang spaghetti sa tinidor na hawak niya.

"Nothing, I just realized how much I blessed I am, because I had a girl that has a beautiful heart and face. And maybe you making me crazy love hehehe. I don't know, sa'yo lang ako nagkaganito. Ibang-iba ang paraan ng pagtitig ko sa kanya at sa'yo. Naisip ko na sobrang laki ng lamang mo sa kanya, well you both different naman. In other words, in-love na in-love ako sa'yo. Katulad ng buwan, hindi ka nakakasawang pagmasdan."
Nasaksihan ko ang pagngiti niya.

"Yan ka na naman Aster eh..." Nakangusong sambit niya.

"Bakit?"

"Wala lang, kinikilig lang ako sa mga sinasabi mo." Saad niya at nakita ko ang pagpula ng pisngi niya.

"Kung drugs ka lang, matagal na akong nalulong sa pagiging adik sa'yo at kapag hindi kita makita, hinahanap-hanap kita."

"Daniel Padilla lang ang peg?" Natatawang sabi niya.

"Well, yes. Ain't Daniel Padilla but nasayo na ang lahat." Nakangising sabi ko sabay kindat sa kanya. Inakbayan ko at at sinenyasan na tumingin sa kalangitan. "Look at the sky love." Tumingin naman siya sa madilim na kalangitan. "Anong nakikita mo?" Tanong ko.

"Maitim na ulap kasi gabi na." Sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang, hmm...syempre bituin at buwan bakit?" Baling nito sa'kin.

"Kasi sa dinami-dami ba naman ng mga bituin sa kalangitan, ako lang ang isang bituin na nahulog para sa'yo."

"Mahirap naman kasi kung madami kayo 'di ba?"

"Seryoso ako." Mahinahon kong sabi at sumulyap sa kanya.

"Alam ko, seryoso din naman ako ha? Ang sabi ko mahirap naman kung madami kayong mahuhulog sa'kin 'di ba? Syempre mahihirapan ako niyan. Pero mabuti nalang ikaw lang ang nahulog sa'kin kaya, ang swerte mo." Nakangiting sabi niya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Mabuti nalang talaga. Pero tandaan mo 'to, hindi mo man ako natatanaw sa umaga't hapon at kahit sa gabi mo lang ako nakakita, parati ko namang ipaparamdam sa'yong mahal na mahal kita at sasamahan ka, kahit saan ka man magpunta."

"If I were the moon then I would you to be my only star. You're my Aster, you're my only star that always there for me. You're so important to me. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko yung ganitong klase ng pagmamahal ng isang lalaking mamahalin ko. Noon hinihiling ko lang na sana, may isang lalaking magmamahal sa'kin nang higit pa sa pagmamahal na ibibigay ko sa kanya."  Bigla kong nakita ang pangingilid ng luha niya.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now