CHAPTER FIFTY SEVEN

6 1 0
                                    

ASTER'S POV

Kung ganon pala ang pag-aalaga ng bata, nakaka-excite pala maging ama. Pero ayoko namang madaliin si Chelzeah, isa pa bata pa kaming dalawa, kaya hihintayin ko yung panahon na yun. Yung panahon na sariling anak na namin ang aalagaan naming dalawa, papalakihin namin nang mabuting bata. Palagi ko nang makikita sa tuwing uuwi ako galing trabaho at sasalubong sila sakin kasama ang mommy niya, walang iba kundi si Chelzeah.

Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay. Gusto ko siya ang maging ina ng magiging anak ko balang araw, wala nang iba. Kaya hindi ko hahayaang mawala siya sakin.

Nagising ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko kaya dali-dali ko itong sinagot. Ang akala ko si Chelzeah, nangunot tuloy ang noo ko.

"Hello? Who's this?"

"Hijo, ako 'to ang daddy ni Chelzeah, pasensya na kung naabala ko ang tulog mo. Pwede ba tayong magkita sa coffee shop?" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni tito.
Ano kayang pag-uusapan namin?

"Sure tito, before thirty minutes nandyan na ako."

"Sige hijo, may importante lang tayong pag-uusapan." Aniya at pinatay ang tawag. It's already 8 o'clock in the morning that's why I immediately went to my bathroom and take a shower. Hindi na ako kumain pa ng breakfast dahil nagmamadali akong pumunta ng coffee shop, nagtext ako kay tito at sinabi kong on the way na ako. Nagsuot lang ako ng jogging pants at v-neck shirt na kulay black. Medyo binilisan ko ang pagmamaneho kaya agad akong nakarating sa location na sinabi ni tito.

Pinarada ko na agad ang sasakyan ko saka pumasok sa loob no'n, nakita ko si tito at nakatalikod ito sakin. Medyo lumakas na ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan na ako sa sasabihin niya.

"Hijo, sit there." Utos niya sakin kaya agad akong umupo. Magkaharap kami sa isa't isa.

"Good morning po...ano po bang pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong. Malakas siyang bumuntong hininga at nangilid agad ang luha sa kanyang mga mata.

"Aster hijo, alagaan mo ang anak ko, 'wag mo siyang sasaktan please, hindi ko alam kung anong araw ako mawawala, matagal ko nang tinatago sa anak ko ang sakit ko. Alam kong mahihirapan sila 'pag nawala na ako pero sana...tulungan mo siyang magpakatatag, 'wag kang umalis sa tabi niya."

Ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi sakin ni tito, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil hindi naman halatang may sakit siya. Ano ba kasing sakit niya?

"Tito...why did you not tell to her?" Napayuko siya sa sinabi ko, tumulo ang kanyang luha sa pisngi nito.

"Kasi ayoko siyang masaktan..."

"Mas masasaktan siya kapag hindi niyo agad sinabi..." Mahinang sabi ko. "Ano po ba ang sakit niyo?"

"May sakit ako sa puso, ang totoo niyan naghahanap ako ng heart donor kaso wala akong mahanap, tinulungan ako ng asawa kong maghanap kaso wala talaga...Hanggang sa sumuko kami na maghanap at sinabi ko sa kanya na alagaan niya ang anak namin, alagaan niya ang sarili niya kapag nawala ako... Ayokong makita ang babaeng mahal ko na umiiyak dahil sa pagkawala ko, ayokong makitang umiiyak ang anak ko. Ipangako mo sakin, mahal na mahal ko sila alam mo yan at mahal na mahal mo ang anak ko 'di ba? Hindi ko na siya maihahatid sa altar kapag pinakasalan mo na siya..."

"I will do tito, mahal na mahal ko po siya. Ako na po ang bahala sa anak niyo, hinding-hindi ko siya iiwan at nandito lang ako sa tabi niya. Gagawin ko ang lahat para sa anak niyo. Sa panahon na magluluksa siya, sa panahon na palagi siyang iiyak dahil sa pagkawala niyo." Mas lalong naiyak si tito.

"Kaya ngayon palang binibigyan na kita ng basbas kapag dumating na yung panahon na magpapakasal kayong dalawa. Tinrato kong prinsesa ang anak ko at alam kong mapapabuti siya sayo, ikaw ang pangalawang lalaking minahal ng anak ko sana huwag mo 'kong biguin...huwag kang mapapagod sa kanya. Alam kong kailangan niya ang lalaking katulad mo."

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now