CHAPTER THIRTY SEVEN

12 2 8
                                    

ASTER'S POV

ANDITO kami ngayon sa loob ng mall kung saan naglalaro kami ng arcade ni Chelzeah. Gusto niya daw kasing maglaro kami ng ganto. Halos napapansin kong pinagtitinginan siya ng mga lalaki dito. Ang laki pa ng ngiti nila. "Love bilis konting tiis nalang mananalo ka na!" Sabi niya pa habang sunod-sunod kong pinagsusuntok ang kalaban ko sa nilalaro ko.

"KNOCK OUT!" Malakas kong sigaw. Bigla akong napatingin sa mga lalaking nakatingin sa kanya saka ngumisi ako sa kanila.

"Naks naman baka boyfriend ko 'yan!" Tuwang-tuwa na sabi ni Chelzeah. "Aster, mag-basketball naman tayo hehehe." Dugtong niya pa. Sinulyapan ko siya at biglang inakbayan.

"Sure love." Pagsang-ayon ko. Saka dumiretso kami sa tapat ng ring. Kung saan ay kailangang maghulog ng dalawang tokens at may limang bola kaming gagamitin pang-shoot sa ring.

Naghulog ako ng dalawang tokens at may limang bola ang lumabas. "Love, kada shoot ko ng bola sa ring ay may katumbas na kiss sa cheeks." Paghahamon ko sa kanya kaya lumaki ang mata niya.

"Lah? Bakit may pa gano'n? Ang dami mong alam 'no?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Please?" I begged.

"Nakakahiya, ang daming tao dito saka maraming bata oh, nakikita mo naman 'di ba?"

"But, sa cheeks lang naman 'yon, naka-focus naman sila sa nilalaro nila." Pangungumbinsi ko sa kanya at bigla itong napabuntong-hininga.

"Oh sige na nga, nakakahiya sa'yo eh. Pero hindi lang ikaw ang maglalaro 'no syempre pati rin ako."

"Of course, you can play basketball naman. Wala naman akong sinabing 'wag kang maglaro. Come on, umaandar yung oras." Sabi ko at kumuha ng isang bola para i-shoot sa ring.

Umatras ako ng konti saka akto kong ihuhulog ang bola sa ring. "Kiss ko?" Nakangising tanong ko nang mai-shoot ko ang unang bola.

"Pilyo ka talaga." Masamang tingin ang natanggap ko mula sa kanya sabay mabilis siyang humalik sa pisngi ko.

"I liked it." Nakangiting sabi ko at agad niya akong binatukan ngunit ay tawa lang ang nagawa ko. "I teach you, kung paano mag-shoot ng bola sa ring." Sabi ko at binigyan siya ng bola.

Kinuha ko ang dalawang niyang kamay habang hawak nito ang bola.
Para bibigyan ko siya ng tamang tiyempo sa pag-shoot ng bola sa ring.

"Okay, I count one to three then i-shoot mo na yung bola sa ring okay?" Tumango siya.

"Sige." Tugon niya saka ipinasok ang bola sa ring na agad niya namang naipasok sa ring ang bola.

"Great job, you did it." Nakangiting sabi ko at ngumiti siya sa'kin.

"Thanks to you." She said, saka muli siyang nag-shoot ng bola sa ring.

Makalipas ang twenty minutes ay umalis na kami doon at nagtungo sa bilihan ng damit, kung saan ay gagamitin niya sa nalalapit na birthday niya. Habang naglalakad kami ay napapansin kong namamasa ang kanyang noo, kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko upang punasan siya.

"Mukhang napagod ka sa paglalaro natin ng arcade ha?" Tumango ito.

"Oo eh, pero hindi naman sobra. Actually namiss kong maglaro ng arcade games. Thank you for always making me happy love. You never make me feel sad."

"Because you deserve to be happy, you deserve my love, my efforts. As long as you have me, you always felt that you deserve it all. I do the things to make you happy because everytime I see your smile it makes me feel happy. Your happiness is my happiness, your sadness is my sadness and I can be your tissue for wiping your tears on your face and I will say that I am only here at twenty-four/seven of joy and sorrow that you feel." I seriously said. And I saw her cheeks turned into red.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now