CHAPTER SIXTY FIVE

16 0 0
                                    

CHELZEAH'S POV

"Love, ilang beses ko nang sinabi sa lalaking yun na iwasan ka pero bakit ngayon nakita ko kayong magkasama? Hindi ka ba talaga titigilan no'n? Ano ba talagang gusto niya?!" Galit na sabi niya habang nandito kami sa tapat ng parking lot. Lunes na lunes ganyan siya, paano kasi ay nakita niya kaming magkasama ni Nate, anong magagawa ko? Kagrupo ko siya? Gumagawa kami ng reporting sa room kanina.

"Pwede ba Aster, huwag mo namang lagyan ng malisya yun, natural lang na magkasama kami dahil nagawa kami ng reporting, iniisip mo bang nilalandi niya ako?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Oo! Dahil halata naman sa kanya, kung paano siya tumingin sayo, halatang gustong-gusto ka niya, at nagseselos ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sayo, na dapat ako lang yung titingin sayo ng ganon." Napahawak naman ako sa sintido at napakamot.

"Wala naman akong magagawa kung ganoon tumingin si Nate sakin, hinahayaan ko nalang siya, pwede bang huwag muna tayong magtalo ngayon? Pagod ako at kulang na kulang sa tulog, gusto ko lang munang magpahinga...pwede ba?" Nawala ang salubong niyang kilay at napalitan ng awa ang kanyang mga mata. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse saka inalalayan akong makapasok doon.

"Magtiwala ka sakin, kahit kailan ayoko nang maranasan mo ulit ang masaktan, hindi kita ipagpapalit sa kahit sinong lalaki pa ang makilala ko, stop thinking negative makakasama sayo yan. Gumagawa lang kami ng reporting kanina kaya kami magkasama, huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. At the end of the day ikaw lang naman." Mahinahon kong sabi at ngumuso siya.

"So kasama ba yung pagtitig niya sa paggawa niyo ng reporting?" Sumama naman ang mukha ko.

"Aster naman..." Timping sabi ko at bumuntong-hininga.

"Ayoko ng Aster, love ang itawag mo sakin." Kunyaring galit na sabi niya habang ang kamay niya ay hinahaplos ang isang hita ko.

"Okay Aster." Tumawa ako sa pagbibiro ko sa kanya. "Huwag ka na kasing magselos, hindi ko naman na siya kasama eh. I love you seloso kong boyfriend." Humalik pa ako sa pisngi niya.

"Tsss, badtrip ka." Napahikab naman ako sa sinabi niya,

"inaantok ako love..."

"Sleep then." Nagtatampo pa rin niyang sabi, ngumisi ako at humiga ako sa front seat, ginawa kong unan ang kandungan niya hehehe. "Manyak ka love ha." Nakangiwi niyang sabi nang kapain ko ang ano niya. Ano naman? Hinawakan ko lang eh. "Kababae mong tao, matulog ka na nga. I love you ganda." Humarap ako sa kanya at ngumuso. Narinig ko ang pagpaandar niya sa makina ng kotse habang nakapikit ako.

"Hehehe ang lambot." Pahabol kong sabi at idinilat muli ang mga mata.

"Bastos ka talaga love," kumamot pa siya ng ulo. "Iuwi muna kita sa bahay natin, tapos gagawa ako ng school works, then after no'n manood tayo ng movie."

"Yieee talaga? Sige, dapat may foods ha."

"No problem, anything for you my baby love." Kumindat pa siya sakin. Kinikilig ako ano ba!

Pinikit ko na ang mga mata ko saka natulog na.

ASTER'S POV

Tama naman si Chelzeah, dapat hindi ko nilalagyan ng malisya yung ganon, ngunit hindi ko pa rin mapigilan lalo na may gusto sa kanya yung lalaki na 'yon. Hindi pa rin ako kampanteng magkasama sila, pero mahal na mahal ko siya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya, at kahit kailan hindi ako nag-isip ng masama sa kanya.

Dahil kilalang-kilala ko na siya, ang buong pagkatao niya. Huwag niya lang akong iwan at lokohin, ibibigay ko sa kanya ang lahat-lahat. Kahit masaktan niya man ako minsan siya pa rin ang mamahalin ko, kasi gusto ko siya lang.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now