CHAPTER FIFTY EIGHT

12 1 0
                                    

CHELZEAH'S POV

Bigla akong naalimpungatan nang marinig  ko ang boses ni mommy. Pagtingin ko sa orasan ay 4:30 am palang. Napakusot-kusot ako ng mga mata at dali-daling bumangon. Curious kasi ako kaya lumabas ako sa kwarto ko para puntahan siya, sa kwarto nila ni daddy.

"Honey, wake up... 'wag namang ganto. Huwag mo muna kaming iwan ng anak mo..." Agad akong kinabahan sa sinabi ni mommy...Kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto, dahil naririnig ko ang pag-iyak ni mommy. Natuptop ko ang bibig nang makita kong hindi man lang gumagalaw si daddy nang yugyugin siya ni mommy. Nagsisimulang mangilid ang luha ko.

"Dad! Wake up! Mommy... anong nangyari kay daddy?" Naguguluhang tanong ko at nagsisimulang magbagsakan ang luha sa aking pisngi.

"Anak...huwag ka sanang magalit sakin, matagal ko nang tinago sayo ang sakit ng daddy mo...patawarin mo 'ko..." Humahagulgol niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko. Bakit parang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi ni mommy? Ibig sabihin matagal na siyang naglihim sakin? Bakit? Bakit hindi niya sinabi agad? Wala ba akong karapatang malaman? Hindi ba ako anak?

"Bakit niyo tinago sakin?! Kung kailan huli na ang lahat?!" Sigaw ko habang umiiyak. Niyakap niya ako...

"Patawarin mo 'ko anak...ayaw ka lang naming masaktan...hindi namin alam kung anong mangyayari kapag sinabi namin sayo. Ayaw naming makita kang umiiyak." Umiling ako.

"Hindi sapat na rason yan mommy! Nakakainis naman eh..." Napahagulgol nalang ako at niyakap si daddy. Hinawakan ko ang pulsuhan niya at hindi na yun tumitibok. "Daddy...hindi ko kayang mawala ka...bakit mo kami iniwan? Hindi ba ang sabi mo sakin, ihahatid mo pa ako sa altar kapag nagpakasal na ako? Pero...paano na yun?"

"Daddy gumising ka na...panaginip lang ba 'to? Huwag ka namang magbiro, kagabi lang nag-uusap pa tayo eh, daddy..." Humihikbing sabi ko. Nakarinig ako nang ambulansya at nakita kong pumasok si ate Selena sa kwarto. Umiiyak din siya katulad namin.

"Ma'am nandyan na po ang ambulansya."

"Sige papasukin mo na sila." Tumango ito naglakad papalabas. Hawak-hawak ni mommy ang kamay ni daddy habang tumutulo ang kanyang mga luha. Agad nilang nilipat si daddy sa stretcher at dahan-dahan nilang binuhat iyon pababa ng hagdan.

"Mommy...mauna na kayo, susunod ako..." Tumango siya. Lumabas na sila at ako nalang ang natira mag-isa sa bahay. Kinuha ko ang phone sa kwarto ko para tawagan si Aster. Sana gising siya...

ASTER'S POV

Naidilat ko ang mga mata ko nang makitang nag-ring ang phone ko. Nakita ko agad ang nickname niya sa screen ng phone ko "My girl"  Agad kong sinagot iyon at napangiti pero agad ding napawi nang marinig ko ang hikbi niya.

"Aster...si daddy...wala na." Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Shit! Bakit gano'n?

"Ano?! Wait pupunta na ako dyan, I'll be there before twenty minutes." Hindi na siya sumagot pa at basta nalang pinatay ang tawag. Nagsuot ako ng short dahil naka boxer lang ako, nagsuot na rin ako ng hoodie jacket at pumunta muna ako sa bathroom para magtoothbrush at maghilamos.

After that, kinuha ko na ang susi ng kotse ko pati ang wallet. Nagmadali akong sumakay sa kotse at medyo binilisan ko ang pagpunta sa bahay nila para agad akong makarating. Pagkadating ko palang ay tumakbo na ako papasok sa bahay nila, natagpuan ko siyang nakatulala habang nakaupo sa sofa. Mugtong-mugto na ang mga mata niya at nasisigurado kong galing siya sa pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap.

Nagsisimulang magtubig ang kanyang mga mata. "Aster..." Pagsambit niya sa pangalan ko. Humigpit ang yakap niya sakin at doon na siya umiyak nang umiyak. Ito ang pinaka kinakatakutan ko, ang mabura ang magandang ngiti niya. "Hindi ko kayang gumising sa umaga na wala si daddy..." Pinunasan ko ang mga luha niya.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now