CHAPTER FORTY NINE

10 0 0
                                    

CHELZEAH'S POV

"Waaa! Ang galing mo!" Sigaw ko habang pinapanood siya sa pagbabasketball. Nandito kasi kami sa isang court malapit sa subdivision namin, nakikipaglaro siya sa mga lalaking naglalaro din dito. Nainip kasi kami sa bahay kaya naisipan naming pumunta dito para malibang kami. Kanina pa ako todo cheer sa kanya. Kasi naman ang galing niya palang mag-basketball. Panay siya ang nakaka-shoot ng bola sa ring.

May mga babae ding nandito at nakikinood sa kanila. Ano na kayang balita kila George? Hindi ko na kasi alam kung ano nang nangyayari sa kanila, ni hindi man lang nila ako binibisita, parang hindi mga kaibigan eh. Kanina ko pa napapansin na ang lagkit ng tingin nila kay Aster, hmp! Kurutin ko mga singit niyo eh! Paano ba naman kasi ay naka-topless siya tapos nasa 'kin yung t-shirt niya, hawak-hawak ko.

Isang oras na din kasi siya nagba-basketball kaya kitang-kita ko pawis na pawis na siya.

"Grabe ang hottie ni kuya 'no? Kaso lang may girlfriend na, sayang." Dinig kong dismayadong sabi ng babaeng nasa kanan ko at medyo malayo siya sa'kin. Sumulyap pa sila sa'kin at bigla akong tinarayan. Sikmuraan ko kaya sila?

"Love! Uminom ka muna oh." Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hingal na hingal ito habang nakatingin siya sa'kin. Bumili kasi ako ng dalawang bottled water kanina bago siya nagsimulang makipaglaro. Tinanggap niya yun at binuksan saka ininom agad. Nakalimutan kong magdala ng towel kanina, kaya ang ginawa ko ay damit niya ang pinampunas ko ng pawis nito.

"Baka naman sobrang pagod ka na ha? Pahinga ka muna." Nag-aalalang sabi ko habang pinupunasan siya ng pawis.

Ngumiti siya at umiling. "You know what love, I missed to play basketball. Me and my dad, sometimes we played basketball when he doesn't have a work. Kumbaga bonding na rin namin 'yun noon kapag wala siyang pasok sa trabaho. But now, he's gone and mommy. Hindi na namin magagawa pa yung ginagawa namin noon kasi wala na siya." Biglang lumungkot ang mukha ni Aster sa sinabi niya at ganon din ako. Tipid siyang ngumiti kahit na nararamdaman kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala nila.

Syempre sino ba namang hindi mamimiss yung mga bagay na nakasanayan mo na? Kahit alam mo sa sarili mong hindi na iyon kailan pa mauulit at mangyayari pa. Sad to say pero hanggang alaala nalang lahat.

"Being sad is a waste of time, find a reason to smile." Sabi ko sa kanya, kaya napangiti siya.

"No need to find because I already found it to you." Sagot naman niya at napangiti rin ako. "You'll be the reason my smile love." Dugtong niya pa. Natatawa ko siyang sinuntok ng mahina sa braso n'ya. "Magpahinga lang ako ng ten minutes and then maglalaro tayo ng basketball. I'll borrow them the ball, later after ten minutes." Umupo muna siya kung saan ako nakaupo kanina saka tumabi ako sa kanya.

Napataas naman ako ng kilay. "Psh, hindi naman ako marunong no'n eh, baka pagtawanan lang ako ng manonood sa'kin." Pagtanggi ko.

"Kaya nga tuturuan kita eh, hayaan mo nalang sila at huwag mong pansinin, isipin mo nalang na tayo lang ang nandito okay?" Bumuntong-hininga ako at tumango.

Mukha naman wala akong magagawa eh.

After ten minutes ay hiniram niya muna sa mga lalaking kalaro niya kanina ang bola at mabuti nalang ay mabait sila. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pwesto at pagbuwelo sa pagpasok ng bola sa ring. Unti-unti niya akong sinenyasan na ipasok ang bola sa ring. Kagat labi kong ipinasok ang bola, kinakabahan ako kung papasok ba yun o hindi, nakakahiya naman kasi kung hindi, baka pagtawanan nila ako.

Lumawak ang ngiti ko nang pumasok iyon. "Good job love!" Masayang saad ni Aster. Ngumiti ako bilang tugon sa kanya. Hanggang sa naglaro na kaming pareho. Inaagaw ko ang bola sa kanya pero ang hirap dahil mabilis siya. Hinahabol ko pa siya para lang maagaw ko iyon. Sinusubukan kong hablutin iyon gamit ang kamay ko ngunit masyadong mabilis ang kamay niya.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon