CHAPTER SIXTY NINE

18 0 0
                                    

ASTER'S POV

After a few months, Chelzeah passed a licensure exam, nakapag-apply na rin siya sa isang school na papasukan niya. Magsisimula na siya sa susunod na linggo, habang ako ay nagsimula nang mag-trabaho sa company ko, pumayag na rin ang mommy niya na tumira ang anak niya sa bahay ko, para hindi na raw ako mahirapan sa pagsundo sa anak niya.

Pero palagi naman kaming bumibisita sa mommy niya, actually kasama niya ang kapatid niya para hindi naman siya mag-isa sa bahay nila. Pagkauwi ko galing sa trabaho ay sinusundo ko pa si Chelzeah sa kanila kasi hindi naman pwedeng mag-isa siya sa bahay ko, maiinip siya doon, minsan sinasama ko pa siya sa company ko at doon lang siya sa loob mismo ng office ko, sa tuwing may meeting ako o kaya may kausap na businessman katulad ko.

Hindi naman siya nanggugulo kapag abala ako sa trabaho, at sa tuwing may lalapit na babae sakin ay bigla-bigla nalang tataas ang isang kilay niya, mag-iiba agad ang mood. Ngunit sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang mag-alala, hindi naman ako magpapalandi sa iba, kasama ko man siya o hindi. Dahil konsensya ko na ang kakain sakin, kapag nakagawa ako ng kasalanan sa kanya. Isa pa, ayokong madagdagan yung iisipin niya. She's too important to lose.

"How's your work love?" Curious niyang tanong nang makauwi ako galing trabaho, hindi na muna kasi siya nagpahatid sa bahay nila dahil, gusto niyang maglinis sa bahay, ten hours siyang mag-isa sa bahay, at halatang pagod na pagod siya sa paglilinis ng bahay, pawis na pawis, gulo-gulo ang buhok, tanging manipis na sando lang ang suot niya at short. Nag-alala tuloy akong tumingin sa kanya.

"Hey mahal, bakit mo naman pinagod ng sobra ang sarili mo sa kakalinis ng bahay? Ayokong napapagod ka nang sobra, tignan mo pawis na pawis ka pa, you should take care of yourself okay? Mas mukha ka pang pagod sakin." Mahinahon kong sabi at dinukot ang panyo sa bulsa ko para punasan ang pawis niya. Dahan-dahan kong pinunasan ang pawis niya sa noo at leeg.

"Sinipag lang ako, ang dami kasing alikabok eh, siya nga pala, nakapagluto na ako ng food mo. Baka gutom ka na." Sagot naman nito, habang nakatungo ang ulo niya sa balikat ko. Nakaupo kami sa couch habang nagpapahinga, syempre pagod din ako sa trabaho.

"Hindi pa kita asawa pero napakamaasikaso at napakasipag mo na, pero love, huwag mo rin kalimutan na alagaan ang sarili mo okay? Ayokong napapabayaan mo ang sarili mo." Malambing kong sabi at bahagyang inamoy ang gilid ng kili-kili niya.

"Aster! Pawis ang kili-kili ko, huwag mong amuyin..." Inis na sabi niya habang nakanguso. Tumawa ako at umiling.

"Mabango naman ha? Nasaan pala ang tali ng buhok mo?" Nakita ko ang panali ng buhok sa pulsuhan niya, kaya kinuha ko 'yon agad, marahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko, if she doesn't have a time to fix herself, I'll just do that to her then.

Hindi naman siya tumanggi pa at hinayaan niya lang akong talian ang buhok niya. "You look so beautiful. Pero kahit gulo-gulo pa ang buhok mo, napakaganda mo pa rin." Napangiti siya sa sinabi ko. Tumayo ako at inalok ko ang kamay sa kanya. Tinanggap niya 'yon saka agad na tumayo. Dumiretso kami agad sa dining table, may pagkain na palang nakahain. Inalalayan ko siyang umupo at umupo na rin ako sa tabi niya. Niluwagan ko ng kaunti ang long sleeve na suot ko saka ako nagsimulang magsandok ng kanin at ulam sa plato ko. Pinagsandok ko na rin siya dahil para naman makabawi ako.

Napangiti pa siya sa ginawa ko, at sinimulan na naming kumain.

"Kumusta ulit trabaho mo? Hindi mo pa kasi nasasagot eh." Nanguyang aniya. Napakamot naman ako sa noo ko.

"Oh, sorry, well exhausted but it's fine, may mga nakakausap akong businessman and bussiness woman, yung iba naman, kinukuha ako nila bilang taga benta ng products nila, tapos nagpaplano kami para makagawa ng isang produkto, at kapag lumago 'yon, malaking pera ang makukuha ko, good thing malaki ang ma-iipon ko para sa future natin." Pagkukwento ko at lumawak ang kanyang pagngiti.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon