CHAPTER TWENTY FOUR

27 4 30
                                    

CHELZEAH'S POV

Breaktime na namin ngayon at kakatapos lang ng second subject namin. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom, at tinatamad din akong kumain. Ayokong pumunta ng cafeteria. Tinungo ko nalang ang ulo ko at ginawang unan ang braso ko.

"Chelzeah, pumunta na tayo ng cafeteria." Aya sa'kin ni Aster. Ngunit ay umiling ako. Hindi ko alam kung bakit ako tinatamad. Inantok lang siguro ako.

Nangunot naman ang noo niya at inilapit sa'kin ang mukha niya. "Ayokong kumain, tinatamad ako. Hindi pa naman akong gutom eh. Ikaw nalang ang kumain, busog pa ako." Walang gana na sabi ko at napanguso naman siya. Nakapatong ang baba ko sa desk habang nakatingin sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? Are you sick?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang sakit." Dagdag niya pa at napailing-iling.

"Abnormal tsk! Sinabi ko bang may sakit ako? Ang sabi ko tinatamad lang ako. Ikaw nalang muna ang kumain." Napabuntong-hininga siya.

"I see in your eyes that you want to sleep."

"Maybe." Asik ko at mariin na pinikit ang mata ko.

"Okay then, just wait for me, I buy you something okay? Dito nalang din ako kakain para may kasama ka." Mahinahon na sambit niya at hinalikan ang noo ko. Dahilan para lumaki ang aking pagngiti.

"Sige..."

Tumango siya at ngumiti, saka siya naglakad paalis. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na agad siya. May dala siyang two pieces of cappuccino in the cup and 4 pieces of sandwich. Ngumiti siya ng malawak sa'kin at kaagad na nilagay ang binili niya sa table namin.

Tig-dalawa kami ng sandwich at tig-isa naman sa cappuccino. Uminom ako doon at napangiti ako dahil sa sarap no'n. Bahagyang napawi ang antok ko. Kinuha ko ang isang sandwich at isusubo ko na sana iyon ng pigilan niya ako.

Nagtaka tuloy akong tumingin sa kanya.

"What?" Nakangisi lang siya at nanlaki ang mata ko nang ilapit niya sa bibig ko ang sandwich na hawak niya.

"Say ahh..." He command, sinamaan ko siya ng tingin. "Please..." He begged while his eyes are blinked. I took deep breath, binuka ko ang bibig ko at kinagatan ang sandwich na hawak niya. Matamis naman siyang napangiti sa ginawa ko. "You're so cute hehehe." Sabi niya sabay kindat sa'kin at kaagad niyang kinagatan kung saan din ako kumagat ng sandwich.

Napailing nalang ako sa kalokohan niya at bahagya pang natawa. Ang cute niya kasi parang bata. May napansin akong sauce sa gilid ng kanyang labi at kinuha ko ang tissue para punasan iyon.

Nabigla siya ngunit napangiti rin."Thanks." Ngumiti lang ako.

"By the way... salamat pala sa libre mo. Hindi ko naman inaasahan na bibilhan mo'ko."

"You're welcome, of course. Syempre as your manliligaw, kailangan kitang pagsilbihan. Gusto kong palagi kang busog, alam mo ba kahit hindi ako kumain basta matitigan lang kita busog na ako."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Buang...ano magpapakamatay ka sa gutom?" Sarkastikong sabi ko at natawa. Pinitik naman niya ang noo ko.

"Insane tsss..." Singhal niya at nagpeace-sign naman ako.

"Joke lang eh, pero handa ka talagang mamatay sa gutom? Mas baliw ka! Hindi ka kakain tapos titigan mo lang ako busog kana?! Abnormal ka pala eh! Gusto mo bang magkasakit ha?"

"Are you concerned huh? You're so serious, I am just joking..."

Napangiwi naman ako at hinampas siya sa braso niya.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now