LAST CHAPTER

18 0 0
                                    

A/N: Next chapter is epilogue! 

ASTER'S POV

After a few months later

"Love! Manganganak na ako!" Dinig kong sigaw ni Chelzeah habang nagluluto ako ng almusal namin. Oh shit! Dinig ko rin ang malakas na pagdaing niya, kaya naman pinatay ko muna ang kalan saka dali-dali siyang inakay palabas ng bahay. Hindi ko siya kayang buhatin, dahil masyado na siyang mabigat, sobrang laki na kasi ng tiyan niya. Kaagad ko siyang pinasakay sa kotse ko, at nakahiga na ito sa backseat. "Aster bilisan mo naman!" Reklamo pa niya habang hawak-hawak ang tiyan.

"Wait lang, kukunin ko pa yung susi at wallet ko, magbibihis pa ako, sandali lang, mga anak, huwag muna kayong lalabas huh, hintayin niyo si daddy." Mabilis na akong tumakbo papasok sa loob ng bahay namin, nagtungo ako agad sa kwarto dahil boxer short lang ang suot ko, nagmadali na akong suotin ang short at sando ko. Kaagad ko na ring kinuha ang wallet, cellphone at susi ng kotse ko. Tumakbo muli ako papalabas ng bahay para puntahan si Chelzeah.

Pumasok na ako sa loob ng driver's seat at nagsimula nang magmaneho. Rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya. "Calm down, inhale, exhale, makakaabot tayo sa hospital." Pagpapalakas ko ng loob niya habang tinatahak ang daan papunta sa pinakamalapit na hospital. Nagpapasalamat ako dahil walang traffic, kaya naman, nasisigurado kong twenty minutes lang ay nakarating na kami agad sa hospital.

"Nurse! Manganganak na ang asawa ko! Bilisan niyo!" Sabi ko sa kanila nang makalabas ako ng kotse. Agad naman silang umalerto at mabilis na kinuha ang stretcher. Binuksan ko na ang pinto ng backseat para makuha na nila ang asawa ko. Mabilis na nailipat si Chelzeah sa stretcher kaya naman tulak-tulak nila ito papasok sa delivery room. Nangingilid ang luha ko habang hawak ang kamay niya. Dahil masaya ako ngayon sapagkat lalabas na ang kambal na anak namin.

Nailipat na nila sa hospital bed si Chelzeah, kasama namin si Doktora habang inaasikaso niya ang asawa ko. Pinasuot niya ito ng damit pang hospital saka tinakpan niya ng berdeng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito habang nakabuka naman ang magkabilang hita ni Chelzeah.

"Okay Misis, gawin mo lahat ng sasabihin ko, kailangan mong mailabas nang maayos ang dalawang anak niyo. Normal delivery ang gagawin mo kaya kailangan mo lang umiri nang malakas. Napatango ito habang tumutulo ang luha. Hinawakan ko ang kamay niya at matamis na ngumiti. "Relax ka lang." Dugtong pa ni Doktora.

"You can do it wifey." Tumango ito at napahawak siya nang mahigpit sa kamay ko nang simulan niya nang umiri. Pakiramdam ko mababali ang buto ko sa kanya, ngunit kailangan kong magtiis.

Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng pag-iyak ng sanggol, mas lalong tumulo ang luha ko nang una kong masilayan si Adie, kaagad naman nila itong binalot sa tela.

"My son..." Bulong ko habang pinupunasan ang luha. "Baby Adie..." Muling umiri si Chelzeah nang malakas at umabot iyon ng lima hanggang sa narinig namin ang iyak ni Reign. "My daughter...baby Reign..." Ibinalot muli nila ito sa puting tela at nakita kong nawalan ng malay ang asawa ko. Kaagad akong kinabahan.

"Mister, kailangan lang ng lakas ng Misis niyo, huwag kang mag-alala, mamaya rin magigising na siya, congratulations." Napangiti ako sa sinabi ni Doctora. "Aalis muna kami para linisin ang kambal ninyo." Tumango ako at bumuntong-hininga. Umalis muna sila at naiwan kami ni Chelzeah sa loob ng delivery room at umupo muna ako sa upuan saka hinawakan ang kamay nito.

"I'm so proud of you wifey, maayos mong naisilang ang kambal natin... thank you for sacrifice your body to our children..." Sumisinghot na sabi ko, binuksan ko ang cellphone ko para tawagan si mommy Jane. Kaagad niya namang sinagot iyon. Sinabi kong nanganak na ang asawa ko kaya napasigaw ito sa tuwa. Bakit daw hindi ko sinabi agad, sinabi ko nalang na pumunta na siya dito.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang