CHAPTER THIRTY

24 5 11
                                    


CHELZEAH'S POV

Kaagad din kaming umalis sa cementery dahil baka daw masyado akong gabihin saka may pasok pa kami bukas. Patuloy parin siya sa pagmamaneho patungo sa bahay namin. Bahagya pa akong napahikab dahil medyo inaantok na rin ako.

Kaya naman napatingin sa'kin si Aster nababasa ko sa mata niya na nag-aalala siya. "If you want to sleep, just put your head on my shoulder. I'll wake you up when we arrived to your house. I see in your eyes that you wanted to sleep." Mahinahon na sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako at tumango.

Lumapit pa ako sa kanya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Sinimulan ko rin na ipikit ang mga mata ko. "Sleepwell love." Rinig kong sabi niya at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo. Hudyat ang paghalik niya doon. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

Hinayaan ko lang ang sarili ko na makatulog sa balikat niya. At maya-maya pa'y naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa braso ko. "Love wake up na...nandito na tayo sa bahay niyo." Sabi niya at dahan-dahan ko namang iminulat ang mga ko. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya.

Marahan ko namang inalis ang ulo ko sa kanyang balikat para makababa siya. Bumaba naman siya agad at pinagbuksan ako ng pinto ng passenger seat. "Thank you." Nakangiting sabi ko nang makababa sa kotse niya. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng bahay namin. Hawak ko rin ang flowers na binigay niya sa'kin.

Napatayo naman sila mommy at ang lawak ng kanilang pagngiti habang nakatingin samin. "Nandyan na pala kayo anak, kamusta naman ang date niyo? Nabusog ba kayo?" Tanong ni mommy."

"Ayos lang naman mom, masaya. Syempre po nabusog kami." Ngumiti naman sila sa sinabi ko.

"Oh nice to hear that, how about you hijo? Hindi ka pa ba inaantok? Diba may pasok pa kayo bukas?"

Tumango naman si Aster. "Opo tita, actually uuwi na rin po ako, kasi kailangan niya nang matulog." Mahinahon na sagot ni Aster.

"I see, sige hijo take care, drive safely okay? Good night." Usal ni daddy at ngumiti naman si Aster sa kanya.

Nagpaalam na si Aster sa kanila at sinabi nila mommy sa'kin na ihatid ko raw ang boyfriend ko sa gate. Tatanggi pa sana si Aster ngunit sinabi ni mommy na wag na siyang tumanggi. Saka sa gate lang naman daw hindi sa bahay nila.

"So...love, I'm going home. Good night see you tomorrow. I...love...you." Malambing na sabi niya at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. "I pick you up tomorrow." I nooded.

"Okay...I love you too Aster. Drive safely good night." Sabi ko at humalik sa pisngi niya. Bahagya naman kasi siyang nakayuko kaya naabot ko.

Lumawak naman ang pagngiti niya. Pumasok na siya sa kotse niya at kumaway sa'kin bago niya pinaandar ang kotse niya. Akala ko ay aalis na siya at bigla siyang bumaba mula roon. Tumakbo siya saka lumapit sa'kin at kaagad akong niyakap ng mahigpit.

"Oh akala ko ba aalis kana? Bakit bumalik ka?" Natatawang sabi ko. Lalo niya pa akong niyakap at isinubsob ang mukha ko sa bandang dibdib niya.

"Nakalimutan ko lang na yakapin ang girlfriend ko. Saka mamimiss kasi kita agad."

"Tsk, magkikita naman tayo bukas ah, wag kang OA d'yan. Kailangan mo nang umuwi, baka lalo ka pang gabihin." Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap sa'kin at nakita kong ngumuso ito.

"Oo na love, sige uuwi na ako. Maaga ako pupunta sa inyo bukas."

"Sira, wag naman sobrang aga. Sige mag-ingat ka bye." Saad ko.

"Kiss muna, good night kiss lang hehehe." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Tinuro niya ang kanyang pisngi para doon ko siya halikan. Tumingkayad naman ako para abutin ang pisngi niya. Ngunit bago ko mahalikan ang pisngi niya ay kaagad siyang lumingon upang ang labi niya ang mahalikan ko.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now