CHAPTER SEVENTY ONE

8 0 0
                                    

ASTER'S POV

"Uhmm...Mr. Mendez, you need to sign this paper before the due date." Aniya ng secretary ko habang inaayos ang makapal na papel sa table ko. Ngumunot ang noo ko at seryosong tinanguan siya. His name is Luther, ka-edad ko lang siya pero nirerespeto niya ako bilang mas nakakataas sa kanya. Well hindi naman iba ang trato ko sa kanya, dahil lahat ng nagtatrabaho sakin, ay tinatrato ko ng tama. Ngunit palagi akong seryoso at may pagka-istrikto kung kinakailangan.

Subalit ngumingiti rin ako sa kanila, ayaw kasi ni Chelzeah na hindi ako ngumingiti sa trabaho ko, baka raw malasin. Basta huwag daw yung sobrang ngiti dahil baka mahulog sakin yung mga babaeng nakakausap ko sa trabaho.

"Okay thanks." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga papel.

"Is there anything you need Mr. Mendez?" Naninigurado niyang tanong.

"Nah, it's fine, ipapatawag nalang kita kapag may kailangan ako." Tumango siya at tumalikod na, saka siya naglakad papaalis. Napahilot naman ako sa aking sintido dahil sa dami ng papel na nakapatong sa table ko na kailangan kong pirmahan. Kinuha ko ang sign pen ko saka sinimulan nang pirmahan ang mga papel isa-isa. Twenty papers that I need to sign, bukas na ang due date.

Habang pinipirmahan ko ang mga papel ay bigla akong may narinig na kumatok.

"Come in." Walang buhay kong sabi habang ang patuloy sa ginagawa. Bumukas ang doorknob at iniluwa no'n ang dalawang babae na nakasuot ng formal attire. Ang isa ay may edad na at ang isa ay mukhang nasa 20's ang edad. Matamis ang ngiti nila habang papalapit sakin. "Have a sit two ladies." Utos ko at umupo naman sila sa upuan na nasa tapat ko. Dalawa kasi ang upuan, dahil para ito sa mga taong papasok sa office ko.

"So, what can I do for you Mrs. Ordoñez?" Pagtukoy ko sa babaeng edad ay nasa 40's. Umawang ang bibig niya at matamis na ngumiti sakin.

"Hmm...Mr. Mendez, gusto ko lang sanang ipakilala sa'yo ang anak ko, she's single, beautiful, has a perfect body, small waist line. A perfect woman for you. Hija, ipakilala mo ang sarili mo." Saad niya, namumula ang pisngi nito at matamis din siyang nakangiti sakin. Bahagya pa nitong inayos ang hapit niyang damit para mas lalong makita ang cleavage niya.

May maputi siyang balat, mahaba at makintab ang buhok. "Mr. Mendez, I am Cendy Ordoñez, 22 years old, single and I'm ready to be yours." Kaswal niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. "You're so handsome, uhm, your name is Aster huh." Napakagat siya ng ibabang labi.

Ngumisi ako at binitawan ang kamay niya. "Yes, I am Aster Mendez. Sorry Miss, I have already taken, so, nagpunta kayo dito para lang d'yan?" Sinseridad kong tanong.

"Oh, you're taken but I can be a better than her, I can make you happy in bed every night." Tumalim ang tingin ko sa kanya. Hindi man lang ba siya sasawayin ng nanay niya?

"Mrs. Ordoñez, can you please leave? If you don't have an important appointment, you both just, wasting my time." Inis na sabi ko.

"But, Mr. Mendez, kapag kinasal kayong dalawa, mas lalong lalago ang company mo, mas maraming pera ang makukuha mo." Umiling ako.

"I don't care, I don't like her, I don't care to your money, especially to your daughter, and if you can't respect my decision, you both may now leave. I don't need your money." Nagtitimpi kong sabi, sumama ang mukha ni Mrs. Ordoñez sakin.

"Sisiguraduhin kong babagsak ang company mo, mark my word, Mr. Mendez!" Napatayo ako at ngumisi.

"Do, whatever you want, better luck next time, bumagsak man ang kompanya ko, maubusan man ako ng pera, at least hindi ko lolokohin ang girlfriend ko para lang sa pera! For just fucking money! And just accept the fact that, a real love can't reciprocated of how huge money is. Money is important but money can't buy the happiness that she gave to me, she's more important than a money. Kasi hindi nabibili ng pera ang totoong pagmamahal." Napayuko naman sila sa sinabi ko. Hindi na sila kumibo pa at naglakad na sila paalis. Mukhang napahiya sila sa sinabi ko hahaha, pero tama naman ako.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Where stories live. Discover now